"Nakakainis yung si Marvin eh," sabi ni Mouryzze tapos binaba niya yung bag niya.
"Oo nga, masyadong papansin. Palibhasa wala ng nalapit na babae sa kaniya, panget niya din naman kase. Charot ang sama ko," sabi ni Angelinne. Tumawa naman yung dalawa.
"May iba pa namang lumalapit ah, kaso ibang level na ng kalandian. Buti pa ako kila Kairo nalapit," sabi ni Mouryzze tapos sabay hair flip.
"jusko patay na patay kayo sa mga lalaking yan e. Dami pa iba jan mga sis, di lang sila Kai," sabi ko.
"oo nga, madami pa naman jan. Yaan mo na kami, trip lang namin mag habol. Malay mo may chance sa ibang aports niya, ket wag na si Kairo," sabi ni Angel.
"osige sabi mo eh. Pero may lalaki din jan na deserve love niyo, wag kayo mag paka tanga sa lalaki ha,"
"oo syempre. Pero why not try diba," sabi ni Angel sabay tawa. Tangang tanga na nga talaga 'tong babaitang 'to. "anyways, baka want niyo mag watch ng movie this coming sat? Punta tayo cinema," dagdag niya.
The two girls looked at each other and smiled, "Hala sige! Aw, first gala naten itey mga dai. Basta treat mo Angel ha? Gorang gora talaga kami pag treat mo yun," sabi ni Mouryzze then we laughed.
"Let's see, may onting pera pa naman ako dito. Basta sa foods ako, kain tayo after cinema. Sana kasya satin money ko, may malakas pa naman kumain jan," Sabi angel.
"Yes naman, Angel. Pumayag ka agad, eh sobrang kuripot mo," sabi ni Lynne sabay tawa.
"Syempre, first gala naten toh, kaya mang lilibre ako," sabi ni Angel.
"Ehem, feeling ko kilala ko kung sino yung tinutukoy mong malakas kumain," Dagdag ni Ryzze and then she look at Lynne, she wink and smile at her.
Ngumiti naman ng plastik si Lynne, "Hindi naman ako ganon kalakas kumain, sadyang masarap lang talaga mga foods kaya ganon," sabi niya.
"Yeah, I agree," sabi ni Ryzze tapos nag apir silang dalawa ni Lynne, "Oh, sya sige masarap na. So ano? Anong kakainin naten tonight? Order na lang tayo or mag luluto ako?" Tanong ko, bigla naman silang napatingin sakin.
"Wow naman, pag luluto tayo Madi girl," sabi ni Angel sabay tawa.
"Pinapapili ko kayo, nde ko sinabing pag luluto ko agad kayo, pili muna syempre," sabi ko kay Angel.
"Pag luto mo na lang kami! Sarapan mo ha," sabi naman ni Lynne.
"Sige, ikaw na lang mag luto," sabi ko kay Lynne, siningkitan niya naman ako ng mata, "Charot, oo na pag luluto ko kayo," sabi ko sa kanila.
-Saturday-
"Hoooy, mga babaitang bruha! Bilisan niyo kumilos bagal bagal e, kanina pa kami ng hihintay ni Lynne ditey!" Sigaw ni Ryzze.
"Teka lang naman! Inaayusan ko pa itong si Madi!" Sagot ni Angel.
"Oh ayan, eto suutin mo," binigay niya sakin yung kinuha niyang damit galing sa closet niya. Croptop yung binigay niya.
"Eh? 'Di ba ako lalamigin non dun? Lamig lamig don e tapos ito papasuot mo saken. No thanks, ikaw na lang mag suot," binato ko sa kanya yung damit niya, nasalo niya naman.
BINABASA MO ANG
We Meet Again
Teen Fiction(On going) Saphira or should I say Madi had an amnesia since she was a kid. She couldn't remember anything. When will she be able to bring her memories back?