Chapter 4

7K 150 54
                                    

So ayon, nandito kami ngayon sa gym, nanonood ng training nila Kai. Bakit ako nandito? Well yung tatlo kasi niyaya ako para panoorin sila. Ayaw ko naman talagang sumama kaso pinilit nila akong hilahin pa punta dito. Tsaka nakaka sila sa cafeteria, para silang mga batang nag dadabog don. Kaya pumayag na ako. Ano bang magagawa ko?


Ang daming mga fangirl nitong mga to e. Hindi pa 'to yung mismong game ha, pero ang dami na nag c'cheer. Pano pa kaya pag game na nila? For sure punong puno itong gym. Itong tatlo namang katabi ko tili ng tili. Feeling ko sira na eardrums ko.


"Wooooh! We love you fafa Kairo! Tsaka fafa Dilwyn at fafa Mark!" Sigaw nitong dalawa.


"Hoy! Tumigil nga kayo kakasigaw, ang saket na nang ears ko dahil sa mga sigaw niyo. Hindi ba kayo nahihiya? Kayo pinaka naingay dito sa gym o. Natingin na yung ibang girls sa inyo," sabi ko sa kanila.


Tumingin baman yung dalawa sa paligid nila. "Hala, oo nga no. Eh, hayaan mo sila, pake ba namin jan. Tsaka pano ka hindi titili kung ganyan sila ka hot mag laro? Diba? Tignan mo kase," sabi ni Mouryzze. Tumingin naman ako. So ayan na yon?


"Like, what the heck. Girl look at those biceps and their abs! Tangina! Bakit kayo ganyan! Dapat ako lang nakakakita niyan! Huhu!" Sabi ni Paulynne.


"O ano naman sa biceps nila? edi mag exercise ka den para mag kabiceps at abs kayo. Tapos non yung bicepsat abs niyo naman ang pang-gigilan niyo," sabi ko sa kanila tapos binalik ko na ulit yung tingin sa cellphone ko.


"Ano yun? Ang pangit naman tignan non? You're a girl tapos may abs ka and biceps? Dapat pag girl, tiny waist and flat stomach," sabi ni Paulynne.

"Are you stupid? Pwedeng mag ka abs ang babae, if you want. Look at Madi's body, may abs siya ah," sabi ni Mouryzze.

"Oh, sorry na I forgot. Wag na you magalit," -Paulynne.


"Shut up ka na lang jan Ryzze para hindi na me magalet," Mouryzze rolled her eyes at Paulynne. "Nga pala, nasan na ba si Angel? Ang tagal niya. Kanina pa siya umalis, diba?" Dagdag niya.


"Oo nga, where is she na ba? Parang pagong lang, ang bagal eh, hindi naman ganon kalayo yung cafetiria dito," sabi ni Paulynne.


Anong ginagawa ni Angel sa cafetiria? Pumunta siya don para bilhan ng water sila Kairo. Ewan ko ba sa kanila, for sure naman may mga dalang sariling tubig yung mga yan. Kala mo mga bebe nila yung friends ni Kairo eh, jusko.


"Isip nga,  and daming tubig non. Eh kung sinamahan niyo kase si Angel, edi sana nandito na siya. Wait niyo na lang dating niya, jusmiyo," sabi ko.


"Oo na Madi, sungit eh. Tsaka sabi niya kase na siya na lang daw mag buy ng water," sabi ni Mouryzze.


"Oy Ryzze, ayusan naten later si Madi, pag balik natin ng dorm. I have a make-up look na sa tingin ko bagay kay Madi," sabi ni Paulynne.


"Nako, Lynne. Mga galawan mo knows ko na. Si Madi naman target mo ngayon because hindi na kami pumapayag ni Angel na ayusan mo. My ghad girl, I know you na," sabi ni Mouryzze.


"Te, hindi mo naman need na ibuking ako diba? Sampalin ko nguso mo e. Anyways, sanaol pa den gustong makipag friends ni Dilwyn miloves. Sana ako na lang yon. But it's ok as long as it's Madi," sabi ni Paulynne sabay siko ng pabiro sa akin.


"Nako, Lynne. Ikaw ha, pinag seselosan mo ata si Madi eh. You shouldn't be jealous ok. Dami pa diyang friends ni Kairo oh. Anjan naman si Torrence or si Mark," sabi ni Mouryzze.


We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon