"Hoy, pahingi ako niyang kinakain mo. Uubusin mo na eh, hindi ka man lang namimigay," reklamo ni Lynne. Isa pa 'tong buraot na 'to. Kuha ng kuha si Lynne sa chips ni Ryzze. Hinahampas naman ni Ryzze yung kamay ni Lynne.
"Hoy meron ka talagang ganito. Edi sana ganitong flavor na lang din yung binili mo para hindi ka na hingi ng hingi. Tapos mamaya malalaman ko nalang na wala ng laman 'to," sabi ni Ryzze. Nag aaway nanaman 'tong dalawa sa pagkain eh.
"Malay ko bang hindi ko bet yung flavor nito, napag isipan ko lang naman mag try ng ibang flavor eh,"
Kinalabit ko si Angel. "Angel, do want isa pang tubigan?" tanong ko.
"Pwede naman. Baket? May ibibigay ka?" sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya.
"Yes, itong tubigan ni Kai. Want mo ba? Ayaw na tanggapin ni Kai e," napatangin naman silang apat nung nasabi ko yon.
"Ay weh? Sayo na 'yan sabi n'ya?"
I shrugged. "Ewan ko don, sabi n'ya ikeep ko lang daw 'to," Hindi ko talaga maintindihan yon si Kai. Kanina sinabihan niya ako ibalik ko sa kaniya yon, ang sama pa ng tingin niya sa akin non, tas ngayon? Change my mind daw.
"Oh edi sayo nga, why you giving it to me? I mean, maganda din naman yan, pero baka magalit si Kairo na makita n'yang hawak ko 'yan. After all, binigay n'ya sayo yan,"
"Gaga ka, hindi magagalit yon 'no," sabi ko sabay bigay sa kanya. Tumayo na kami at bumalik na ulit sa classroom.
Pag balik namin ng classroom, nakita ko si Kai na naka patong yung ulo niya sa kanyang desk at nakatingin sa bintana. Habang nag lalakad kami papunta sa upuan namin, papalapit naman sa amin si Kai.
"Bakit na kay Angel yung tubigan? Diba I just told you to keep it? Bakit mo binigay kay Angel?" tanong sa akin ni Kai.
Nag katinginan naman kami ni Angel. Angel gave me the Akala-ko-ba-hindi-siya-magagalit-look. Aba malay ko bang magagalit 'to.
"Ano nanaman ba problema mo? Atsaka ano naman pake kung binigay ko kay Angel? ha?"
"May pake ako kase ako naman talaga may ari niyan in the first place and I decided to give it to you, kaya dapat hindi mo binibigay sa iba yan," sabi niya.
"Sabi ko nga. Wala naman akong sinabing binigay ko 'to kay Angel, pinapahawak ko lang," binigay sa akin ni Angel at nilagay ko na sa bag ko. Tinignan lang ako ni Kai at lumabad na ng room. Lakas din ng tama non, lahat na lang ata binibig deal niya.
Kairo's Point of View:
"Pre, punta ka mamaya ha. Laro tayo mamaya, baka hindi ka nanaman pumunta eh," sabi ni Mark. Habang iniikot ikot yung ballpen sa daliri niya.
Tinanguan ko siya. "Oo sige sige, try ko mamaya," sabi ko at tinuloy ko pag wawalis ko. Pinaka ayaw ko talaga maging cleaners eh. Kaso nahuli kami nung teacher namin na nag kakalat ng room.
Kaming dalawa na lang ni Mark naiwan dito gawa nung iba binasta basta yung pag lilinis. Tapos sila Wyn daw may pupuntahan daw. Hindi naman dapat kase talaga ako mag likinis e. Nadamay lang ako.
Actually, nag dadalawang isip pa ako e. Pupunta ba ako sa laro later? Parang tinatamad nanaman ako mag laro, wala akong gana ngayon. I don't know why.
"Ay nga pala pre," nilapag ni Mark yung ballpen sa upuan at lumapit sa akin. Tumingin naman ako sa kaniya at hinihintay kung anong sasabihin niya. "What is it?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
We Meet Again
Roman pour Adolescents(On going) Saphira or should I say Madi had an amnesia since she was a kid. She couldn't remember anything. When will she be able to bring her memories back?