(1) #HHSFlashback1

1K 66 0
                                    

KATHLEEN

"Go my love. Kaya mo yan." cheer ko kay Fredison. Naglalaro kasi ang team ni Fredison ng basketball. Kasama rin sina Billy at James.


Ang kalaban nilang school ay ang Rodriguez University.


By the way, I'm Kathleen Keet at dito na pala ako nag-aaral sa De Guzman University of the Philippines. Napag-desisyunan kong mag-aral dito para makuha ko ang inaasam kong diploma. Nag-stop ako one year ago dahil sa modeling career ko.


Pero ngayon ay napag-desisyunan kong mag-aral muli.


"Go my love." todo cheer pa rin ako kay Fredison. May pa-banner pa ako para sa kanya.


"Go hubby ko." cheer ni Louise kay Billy. Kumaway si Billy sa pinakamamahal niyang si Louise.


Binigyan naman ni Louise ng flying kiss si Billy, na sinalo naman ni Billy at inilagay niya ito sa puso niya. Ang sweet!


"Go cutiepie." cheer ng kakambal kong si Kateleen kay James. Nagpakitang gilas si James kay Kateleen sa pag-shoot ng bola at boom! Bomba lang ang peg. Haha!


Three-point shoot si James.


Ang saya naming tatlo dahil meron na kaming sariling lovelife.


Pero love story namin 'to ni Fredison kaya kami naman ang bida rito.


Dito nagsimula ang love story namin.


*flashback*


First day of school ko ngayon bilang second year college sa DGUP. Excited na nga akong makilala ang new classmates ko. I'm pretty sure mababait silang lahat. Sana.


Pagpasok ko pa lang sa room ay nagulat ako dahil nagbabatuhan ang mga estudyante ng bolang papel. Natamaan nga ako sa ulo eh. Mali pala ako. Mga pasaway pala sila.


Pero buti na lang at dumating si Prof Nika para suwayin ang mga estudyante.


"Okay, since this is our first day ay magpapakilala muna kayo one by one. And I will give you a chance to ask one question para mas lalo niyo pang makilala ang isa't isa. Only one question." sabi sa'min ni Prof Nika.

His Hidden Side [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon