Nagising ako na nakatali at nasa madilim na lugar. Teka, nasaan ako?
Inalala ko ang nangyari.
Hanggang sa maaninag ng isip ko ang mukha ni Patrick.
Si Patrick.
Siya ang nagdala sa akin dito.
May kasama siyang limang lalaking nag-iinuman ngayon.
"You're awake Kathleen." narinig kong sabi ni Patrick.
"Hmmmmmmmmm!"
Hindi ako makapagsalita dahil may nakatakip na tape sa bibig ko.
"Nagtataka ka siguro kung bakit kita dinala rito at tinali." - Patrick
Hindi naman ako makapag-react.
"Ito'y dahil sa boyfriend mo. Ginahasa at pinatay niya ang kapatid ko!" galit niyang sabi sa akin na ikinalaki ng mga mata ko.
Teka, siya yung kuya ng biktima?
"Hmmmmmmmmm!"
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi si Fredison ang gumahasa at pumatay sa kapatid niya pero hindi ko ito magawa.
"Humanda siya sa gagawin ko kapag dumating siya rito. Sisigurahin kong susuka siya ng napakaraming dugo sa gagawin namin sa kanya." sabi niya sabay ngisi.
Ako naman ay napalunok sa takot. Huwag kang pumunta rito Fredison.
"Hhhhhhmmmmmmmm!" nahihirapang sigaw ko at sinubukan kong kumalas sa pagkakatali. Kailangan kong makatakas dito kahit imposible.
"Wag ka nang magtangkang tumakas pa. Hinding-hindi ka na makakawala pa rito. At darating na rin ang boyfriend mo para iligtas ka. Iyon ay kung kaya niya kaming patumbahin." sabi sa'kin ni Patrick.
"Hhmmmmmmmmm!"
Hindi ko akalaing ganito ang ugali ni Patrick. Tama si Kateleen. Dapat ay mag-ingat ako sa mga kinakaibigan ko.
"O, nandito na pala ang tagapagligtas mo." sabi ni Patrick at tinuro niya si Fredison na kakarating pa lang. Hingal na hingal siya. Mukhang tumakbo siya papunta rito.
Medyo nag-iba ang itsura ni Fredison. Siguro dahil humaba ang buhok niya.
"Ako ang harapin mo Rick!" sigaw ni Fredison sa kanya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
His Hidden Side [Published under Dreame]
Short StorySerenader 10: FREDISON MIRKO Black Infinity: SI