(7) #HHSMissing

1K 63 0
                                    

Nang dumating na ang Professor ay wala pa rin si Fredison. Tinawagan ko na rin siya pero hindi talaga siya sumasagot.


May problema ba siya ngayon? May kinalaman ba ang nakita niya sa phone o sa pag-text niya sa akin kagabi? Naguguluhan ako.


"Miss Keet, are you okay?"


Bumalik naman ako sa huwisyo nang magtanong sa akin ang Professor.


"Yes, I'm fine Sir." sagot ko.


"Mukhang absent yata si Mr. Mirko. Alam mo ba kung nasaan siya ngayon Miss Keet?" tanong sa'kin ng Professor.


"N-nasa taping po siya ngayon." pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinagot ko.


"I see." tugon ng Professor at bumalik ang tingin niya sa mga kaklase ko.


"Asan ka na ba Fredison?" bulong ko sa sarili ko. Sana ay nasa maayos siyang kalagayan ngayon.


"By the way class, we have three new students to join in our class. Please come in." - Professor


May pumasok namang tatlong hindi pamilyar na estudyante sa room namin. Dalawang lalaki at isang babae. Infairness, mga good-looking sila. Pati nga yung dalawang babaeng nasa harapan ay mukhang naglalaway na sa dalawang lalaking estudyante.


"Please introduce yourselves in front of our class." sabi ng Professor sa tatlong bagong estudyante.


Una munang nagpakilala ay ang babaeng estudyante.


"Hi everyone, I'm Chloe Shay Gonzaga. You can call me Shay. I hope maging friends ko kayo." pagpapakilala niya.


Sunod namang nagpakilala ay ang lalaking estudyante na parang Chinese ba yan o Thai? Hindi ko alam. Pero parang may royal look siya ha.


"Good morning everyone, I'm Tao Wang. I'm Half-Chinese and Half-Thai. Gusto ko kayong maging kaibigan." pagpapakilala niya at nag-bow pa siya. Half-Chinese at Half-Thai pala siya. Pero yung pag-bow niya ay pang-korean eh.


At ang huling nagpakilala ay ang lalaking estudyante na parang may lahing pinagsamang Chinese at Korean.


"I'm Lachlan Chen. That's all." walang emosyong pagpapakilala niya. Halatang masungit eh.


After nilang magpakilala ay nagkaroon ng Q and A para sa kanila.


"Hi Shay. Can I have your number?" tanong ng classmate kong si Dwayne kay Shay.


"Woah!" biglang reaction ng mga kaibigan ni Dwayne. Pasalamat sila dahil lumabas muna sandali ang Professor namin. Yung president ng class namin yung in-charge ngayon sa Q and A.


"Sorry but I don't have a number." - Shay


His Hidden Side [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon