(13) #HHSFinale

1K 63 0
                                    

Masaya ako ngayon dahil gising na si Fredison. May mga natamo siyang fracture sa mga buto pero gagaling na man daw ito sabi ng doctor.


Hindi lang kami ng mga kaibigan at pamilya niya ang nag-alala sa kanya kundi pati na rin ang mga fans niya. Marami ngang nagpapadala sa kanya ng mga prutas pero dahil sa dami nito ay hindi na namin ito tinanggap pa.


Nalinis na rin ang pangalan ni Fredison laban sa rape at murder. Nakahanap sina Shay ng sapat na ebidensiya na nagpapatunay na walang pinatay na minor de edad si Fredison.


Ang totoong nangyari ay nagpakamatay daw ang biktima dahil may gusto raw ito kay Fredison. Sinaksak niya ang sarili niya at nagpalunod sa ilog dahil hindi niya matanggap na walang nararamdaman si Fredison sa kanya.


Hindi rin totoo na nagkarelasyon sila ni Fredison dahil gawa-gawa lang ito ng kalaban ng Black Infinity. Ang pagtangkang panggagahasa at pagpatay ni Fredison sa minor de edad ay kwento lang din ng kanilang kalaban para mapabagsak ang grupo nila.


Ngayon na maayos na ang lahat ay mabubuhay na kami ni Fredison nang mapayapa.


- AFTER SEVEN YEARS -

Nandito kami ngayon ni Fredison sa Korea kasama ang anak namin.


"Masaya ako ngayon my love dahil kasama ko kayo ngayong pasko." sabi sa'kin ni Fredison.


"Ako rin my love. Masaya akong kasama ko kayo. Pero kumusta na kaya sina Shay, Lachlan, David at Tao?" tanong ko bigla. Ang alam ko lang kasi ay nagretiro na sila bilang gangster.


"Gusto mo bang malaman?" tanong niya sa'kin.


Tumango naman ako.


"Teka lang my love." sabi niya at pumunta siya sa may pintuan. Ano naman ang gagawin niya do'n?


Pagbukas ni Fredison ng pinto ay na-surprise na lang ako sa nakita ko.


"HO! HO! HO! MERRY CHRISTMAS!" sabay na sabi ng Black Infinity na nag-ala Santa Claus.


"Waaaaaaa! Nandito kayong lahat?" hindi makapaniwalang sabi ko.


"Oo naman. Hindi kami pwedeng mawala sa buhay niyo. Pero sayang lang dahil wala rito sina Louise. May kanya-kanya kasi silang pasko kasama ang pamilya nila sa Pinas." sabi ni Shay.


Sama-sama kaming nag-noche buena sa hapag-kainan. Ang daming nakahanda sa mesa at hindi pwedeng mawala ang hamon na imported pa mula sa Pilipinas.


"Cheers!" sabay toast namin ng wine glass.


Ito na yata ang pinaka-dabest Christmas ever dahil kasama ko sila lalo na ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko.


Iyon ay ang anak ko at ang asawa ko.


- THE END -

**********

Maraming salamat po sa mga nagbasa sa kwento nina Kathleen at Fredison.

Signing off...

His Hidden Side [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon