Natapos ang first quarter ng game at lamang ang kalaban ng one point. Ang score ay 22-23.
Lumapit ako kay Fredison at pinahiran ko siya ng towel sa noo. Pati na rin ang likod at katawan niya.
"Ang sweet talaga ng my love ko." sabi sa'kin ni Fredison sabay kiss sa pisngi ko. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
*flashback*
Camping day namin ngayon dito sa school. Ang init-init nga eh dahil tanghaling tapat ngayon.
"Twinsis, patulong naman ako sa pagsaing ng rice." sabi sa'kin ni Kateleen.
"Hindi ako marunong magsaing." tugon ko sa kanya. Hindi talaga ako marunong magsaing kahit sa rice cooker.
"Gano'n ba? Tulungan mo na lang akong magluto." - Kateleen
"Hindi rin ako marunong magluto." sabi ko sa kanya.
"Naku! Kawawa naman ang magiging future husband mo. Mukhang siya parati ang magluluto para sa'yo." sabi sa'kin ni Kateleen at umalis na siya. Napa-isip naman ako bigla sa sinabi niya.
Tama siya, kawawa ang future husband ko kung hindi ako marunong magluto. Papasok na lang ako sa isang cooking lesson pag may time. Maybe sa summer.
"Hi Kathleen babes."
Nagulat naman ako nang may biglang umakbay sa akin. My god! Kailan ba ako tatantanan 'tong manyakis na 'to.
"Bitawan mo nga ako." inis na sabi ko kay Rhys.
Araw-araw na siyang nagpapapansin sa akin. As if namang gwapo siya. Mas gwapo pa kaya sa kanya si Fredison.
BINABASA MO ANG
His Hidden Side [Published under Dreame]
Short StorySerenader 10: FREDISON MIRKO Black Infinity: SI