(8) #HHSBlackInfinity

1K 63 0
                                    

"Bigla na lang siya nawala. Pati mga gamit niya sa kwarto niya ay wala na rin."


Iyan ang sabi ni Louise na paulit-ulit pumapasok sa isip ko.


Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mawala si Fredison. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa amin.


"Ayos lang po ba kayo Miss Kathleen?" tanong sa'kin ni David habang nagmamaneho.


"Yeah, I'm fine. Don't mind me." sagot ko sa kanya.


"Hindi naman po sa nanhihimasok ako sa buhay niyo Miss Kathleen. Pero kung kailangan niyo po ng karamay ay nandito lang po ako para sa inyo. Hindi lang po ako basta driver niyo pero pwede rin po ako maging kaibigan niyo." - David


Ewan ko pero bigla ako na-touch sa sinabi niya.


"Thanks David." tugon ko sa kanya. I didn't know na may ganito pala siyang side.


Pagka-uwi ko ay sinalubong agad ako ni Kateleen ng yakap. Alam talaga niyang malungkot ako ngayon.


"Ilang araw na rin siyang nawala. I know that he has a reason. You should understand him twinsis." sabi sa'kin ni Kateleen.


"I know but how?" tanong ko sa kanya.


"Instead of being sad. You should pray for him na sana nasa maayos siyang kalagayan ngayon." sagot niya sa'kin.


I just nodded.


"Para mawala yang lungkot mo. Mamaya ay pupunta tayo ngayon sa boarding house dahil birthday ngayon ni James." sabi sa'kin ni Kateleen.


Oo nga pala, kaarawan ngayon ni James. Buti na lang at pinaalala sa akin ni Kateleen.


"Invited din ang news friends natin and it is an overnight party since weekend naman bukas at wala tayong pasok." dagdag pa ni Kateleen.


Tumango lang ako.


- 8:00 PM -

Nagpahatid kami kay David papuntang boarding house nina Billy.


"Sumama ka na lang sa amin David." sabi ni Kateleen sa kanya.


"Huwag na po Miss Kate. Nakakahiya po." tugon ni David sa kanya.


"Okay lang yan at saka huwag kang mahiya. Nandito naman kami ni twinsis." sabi ni Kateleen kay David.


"Oo nga David. Mas matutuwa pa nga sila dahil sinama ka namin." pagsang-ayon ko sa sinabi ni Kateleen. Well hindi ako sigurado sa sinabi ko.


His Hidden Side [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon