Nagsimula na ang fourth quarter ng game. Kaming tatlo naman ay todo cheer sa mga boyfies namin.
"Go hubby ko." cheer ni Louise kay Billy with matching sayaw pa.
"Shoot that ball cutiepie. Kung hindi mo ma-shoot yan ay magtatampo ako sa'yo." sigaw ni Kateleen na narinig naman ni James.
Shinoot naman ni James ang bola at na-shoot ito. Additional three points para sa kanila. Mukhang natakot yata siya sa sinabi ni Kateleen.
"Go my love." cheer ko kay Fredison.
*flashback*
Isang linggo ko nang hindi pinapansin si Fredison dahil sa kiss incident namin.
Hindi ko pa siya kayang harapin dahil dun. Hiyang-hiya pa ako sa kanya. Baka kasi isipin niyang may gusto ako sa kanya.
"May problema ba kayong dalawa ni Fredison, Ate Kathleen? Mukhang hindi kasi kayo nagpapansinan." tanong sa'kin ni Louise.
"Wala naman." pagsisinungaling ko. Mabuti nang hindi nila malaman yun dahil baka gumawa pa sila ng kalokohan about sa'min ni Fredison.
"Speaking of Fredison. Andyan na pala siya." sabi sa'kin ni Billy at may tinuro siya.
Napatingin ako sa tinuro ni Billy at nakita ko si Fredison na papalapit sa'min.
"May pupuntahan pa pala ako. Kita-kits na lang tayo mamaya." sabi ko at nagmadali akong umalis.
"Kathleen, wait." pagpipigil sa'kin ni Fredison. Pero hindi ko siya pinansin.
*end of flashback*
One minute na lang ang natitira at lamang ang kalaban ng four points.
Naka-shoot si Billy pero two points lang ang dinagdag.
BINABASA MO ANG
His Hidden Side [Published under Dreame]
Short StorySerenader 10: FREDISON MIRKO Black Infinity: SI