"Please parang awa niyo na! Wag niyong sasaktan si Fredison!" pagmamakaawa ko sa kanila.
Kitang-kita ng mga mata kong bugbog sarado na siya at nanghihina.
"Manahimik ka na lang Miss. Tatapusin na namin 'tong lalaking 'to." sabi ng lalaking nakabonet sabay tutok ang baril kay Fredison.
"WAAAAAAAAGGGGGGGGG!" sigaw ko bigla.
*bang*
📌
"FREDISOOON!" sigaw ko bigla sabay bangon mula sa kama.
Napahawak ako sa dibdib ko. Nananaginip lang pala ako. Akala ko pinatay nila si Fredison.
*krrrrriiiiiiiiiiiiiinnnnnnnggg!*
Tumunog naman ang alarm clock ko. Kailangan ko nang pumasok sa school.
Bumangon na ako sa kama at naghanda para sa klase.
Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto para kumain. Nadatnan ko si Kateleen na kumakain na.
"Good morning twinsis. Kumusta ang tulog mo?" bati at tanong sa'kin ni Kateleen.
"Good morning din. Ayun, binangungot ako." tugon ko sa kanya.
"Ha? Bakit? Anong napanaginipan mo kagabi?" tanong niya.
"Napanaginipan ko kasing pinatay si Fredison." sagot ko sa kanya.
Tumawa naman siya. Para namang nakakatawa ang sinabi ko. Nag-aalala nga ako kay Fredison eh.
"Panaginip lang yan twinsis. At saka gangster si Fredison, kayang-kaya niyang patumbahin ang mga yan." confident na sabi ni Kateleen.
"Correction, former gangster." pagtatama ko sa kanya.
"Kahit naman former gangster siya ay keribels pa rin niyang makipagbugbugan. Remember noong niligtas ni Fredison si Louise noong binabastos niya ng isang manyakis. Oops! Pasensiya na twinsis. Dapat hindi ko pala iyon sinabi." sabi ni Kateleen.
"It's okay twinsis. May point ka rin naman eh." tugon ko. "At saka past is past. Ako na ngayon ang present ni Fredison habang si Billy naman ang present ni Louise na past mo dati."
"Twinsis naman eh." nakasimangot niyang sabi.
Tumawa lang ako sa reaksyon niya.
Pagkatapos naming kumain ay pinuntahan agad namin si David para magpahatid sa kanya.
"Tara na po." sabi niya at pinagbuksan niya kami ni Kateleen.
BINABASA MO ANG
His Hidden Side [Published under Dreame]
Short StorySerenader 10: FREDISON MIRKO Black Infinity: SI