(10) #HHSPatrick

1K 63 0
                                    

Sinabi na nina Shay, Lachlan, David at Tao sa mga kaibigan ko ang kanilang tinatagong pagkatao at ni Fredison.


"OMG! Mga gangster kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Louise habang nakatingin sa libro ng Black Infinity.


"Oo, pero hindi naman kami masasamang gangster. Nangbubugbog lang kami ng mga masasamang tao at hindi kami pumapatay. Yang nakasulat sa libro na yan ay hindi lahat totoo. Napagbibintangan lang kami na pumapatay dahil sa mga kalaban naming gusto kaming sirain." paliwanag ni Lachan.


"So ibig sabihin ay hindi si Fredison ang gumahasa sa 15-year old girl na yan?" tanong ni Kateleen.


"Yes, napagbintangan lang siya." sagot ni Shay.


"At kaya siya biglang nawala sa inyo dahil diyan. Naghahanap siya ng ebidensiya na nagpapatunay na hindi siya gumahasa sa babaeng iyon dahil galit na galit sa kanya ang kuya ng biktima." dagdag ni Tao sa sinabi ni Shay.


"Paano kung wala siyang mahanap na ebidensiya?" tanong ni Billy.


"Si Si pa rin ang ituturo niyang may kasalanan, at hindi titigil ang kuya ng biktima na mapasuko si Si sa mga kamay niya." sagot ni Lachlan.


"At gagamitin niya si Miss Kathleen para mapasuko si Si." dagdag ni David.


"Ibig sabihin sabihin ay nasa panganib ang buhay ngayon ni twinsis?" tanong ni Kateleen.


"Oo, kaya nandito kami ngayon para protektahan siya." sagot ni Shay.


"Kung gano'n ay tutulong din kami sa inyo." sabi ni James kina Shay.


"Kaibigan kami nina Kathleen at Fredison kaya tutulong kaming lahat kahit pa ang buhay namin ang kapalit." sabi naman ni Billy.


"Salamat sa inyong lahat. Akala namin talaga ay matatakot kayo sa amin." sabi ni Tao.


"Bakit naman kami matatakot sa inyo? Kahit gangster pa kayo ay pare-pareho naman tayong tao. At saka kaibigan kayo ni Fredison kaya wala dapat kami ikatakot sa inyo." sabi ni James.


"True, at isa pa ay part na kayo ng friendship namin kaya iintindihin muna namin kayo bago kami humusga." - Kateleen


"Thank you talaga guys." sabi ni Shay.


"Group hug nga tayo." sabi ko sa kanila.


At nag-group hug kaming lahat.


📌

Ilang araw ang nakaraan nang malaman namin ang totoong pagkatao nila ni Fredison. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwalang dating gangster pala siya. Siya kasi ang pinakamabait sa tatlong hunks dahil si Billy ay masungit habang si James naman ay casanova, which is nagbago na yung dalawa. Pero hindi ako makapaniwalang may tinatago palang ganitong side si Fredison.

His Hidden Side [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon