KATHLEEN
Natapos na ang second quarter ng game at lamang ang team ni Fredison ng limang puntos. So ang score ngayon ay 56-51.
"Bes, twin sis. Pupunta muna ako sa CR. Naiihi na kasi ako." sabi sa'min ni Kateleen. Tumango naman kami ni Louise.
Dali-dali namang tumakbo si Kateleen papuntang CR.
*flashback*
Isang minuto na lang ay labasan na. Pinipigilan ko ang sarili ko na hindi maihi.
Nagpaalam na ako kanina kay Ma'am Nika para umihi, pero maghintay daw muna ako sabi niya dahil malapit namang mag-dismiss ang klase.
*riiiiiiiinnnnnnnnnngggggg*
Biglang nag-ring ang bell kaya mabilis akong lumabas ng room.
Pumunta ako sa CR ng mga girls.
Pero puro occupied ang mga CR dun. Waaaa! hindi ko na kaya. Anong gagawin ko?
Hindi na ako mapakali pa hanggang sa nakita ako ni Fredison kaya lumapit siya sa'kin.
"Kathleen, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Fredison.
"Naiihi na ako Fredison. Puro occupied ang CR ng mga girls. Meron ka bang alam na lugar kung saan pwedeng umihi?" tanong ko kay Fredison. Hindi naman ako pwedeng umihi sa CR ng mga boys dahil baka mabastos ako dun. Naalala ko tuloy bigla si Rhys na classmate kong manyakis.
"Meron akong alam na lugar kung saan ka pwedeng umihi. Tara, samahan mo ako." sabi sa'kin ni Fredison.
BINABASA MO ANG
His Hidden Side [Published under Dreame]
Short StorySerenader 10: FREDISON MIRKO Black Infinity: SI