CHAPTER SEVEN

3.8K 254 38
                                    

ALAM kong nagdududa pa rin sa akin si Raeken, pero nakakapagtaka lang na hindi niya ako tinatanong o kinukulit ng tungkol sa nangyari kahapon. Pero mabuti na rin iyon. At least hindi niya ako inaabala at pinapaulanan ng mga tanong.

Medyo hindi lang talaga ako komportable na panay ang tingin niya sa akin. Naiintindihan ko naman siya. Sino ba naman kasi ang hindi mawiwirduhan sa akin, hindi ba? Ako nga nawiwirduhan din sa kondisyon ko.

Noong umagang iyon ay iniwasan kong magkausap kami. Ni hindi ako tumitingin sa kanya, at pinanatili kong abala ang sarili ko. Ayoko siyang bigyan ng pagkakataon para magtanong sa akin dahil wala akong maisasagot. Baka hindi niya rin ako maiintindihan kapag nagpaliwanag ako.

Baka ipagkalat niya pa. Parang mas binigyan ko pa sila ng dahilan para i-bully ako.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakatanaw sa bintana. Medyo pinagsisisihan ko nang sinabi ko kay Raeken na nararamdaman ko ang mga pasa at sugat niya.

Kapag hindi ko kasi sinabi ay baka wala naman siyang gawin sa katawan niya. Hindi lang naman kasi siya ang nahihirapan. Pati ako rin. Kapag nakikita ko siya ay nararamdaman ko ang lahat ng sakit na nararamdaman niya, at mas lumalala iyon kapag malapit siya sa akin.

Hindi ako concerned sa kanya. Concerned lang ako sa sarili ko kasi nararamdaman ko yung sakit. Ganun lang iyon.

Mabuti nga at mukhang ginamot niya na ang sarili niya. Hindi na gaanong masakit ang mga pasa niya, at ramdam kong may benda na rin ang mga latay niya sa likod ng binti.

Napatingin ako sa wall clock. Limang minute na lang bago ang lunch break. Hah. Sa wakas. Makakalayo na ako ulit kay Raeken. Sana lang bilisan na ng professor naming na i-wrap up ang klase.

"So guys, next week, meron uli tayong outreach program," untag ng professor namin na isa ring doktor. "Magkakaroon tayo ng medical mission, so I am expecting your participation. Makakasama natin ang ilang mga estudyante sa College of Medicine ng school natin, pati na rin ang mga kasamahan kong doktor na willing sumuporta sa atin. By the way, kailangan ko ng tulong sa pagkuha ng mga gamot sa ospital. Anyone who would like to volunteer?"

"Ako po."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, just to see Raeken raising his hand. What the heck?

"Good!" magiliw na tugon ng professor namin, "Pero hindi naman pwedeng mag-isa ka lang. Maghanap ka na lang ng kasama mo –"

"Si Wendy na lang po."

Nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang sinabi ni Raeken. Pinandilatan ko siya. Gusto ko mang umangal ay hindi ko magawa dahi nakatingin ang professor namin. Ayokong mapahiya. Hinintay kong lumabas ang professor naming bago ko sinita si Raeken.

"Hoy. Bakit ako?"

"Dahil ikaw ang gusto kong kasama. At isa pa, ikaw ang school buddy ko, hindi ba?"

"Lagi mo na lang bang gagamiting dahilan ang pagiging school buddy ko sayo para lang pasunurin ako sa lahat ng gusto mo?" naiinis kong tanong sa kanya.

He smirked at me before responding. "Oo naman. Mahihirapan ka kasing makatanggi."

I just gritted my teeth as I glared at him. May araw ka rin sa akin, Raeken Arevalo.




PAGDATING namin sa ospital ay hinihintay na kami ng professor namin. Nauna na kasi siya roon para i-pick up ang ibang mga gamot na kakailanganin sa medical mission.

Habang naglalakad kami sa loob ay nakaramdam ako ng kaba. Ospital ito, at maraming maysakit. Paano na lang kung makita ko sila? Lalo yung merong may mga malalang kondisyon? Ano na lang ang mararamdaman ko?

Touching You, Touching Me [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon