GAYA ng lagi naming ginagawa, tumambay kami ni Raeken sa rooftop ng school para sabay na panoorin ang paglubog ng araw. Nagbaon pa kami ng mga pagkain as usual, para naman hindi na namin kailangan pang abalahin ang sarili namin sa pagbaba para lang mamili.Ilang buwan na rin ang nakalipas magmula noong nagtapat siya sa akin, at in fairness, naghihintay pa rin siya.
Noong sinabi niyang gusto niya ako, sigurado naman akong gusto ko siya, na mahal ko rin siya. Pero noong panahong iyon, hindi ko alam kung kaya kong makipag-commit, lalo na't gusto kong makamove on muna siya sa lahat ng pinagdaanan niya. Ayoko ring mastress siya sa akin, dahil maging ako ay may kondisyon rin na talagang magrerequire ng pag-intindi.
Ipinaliwanag ko rin naman iyon sa kanya, at naintindihan niya naman.
Pero habang nagkakasama kami, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya, pati na ang pag-intinding binibigay namin sa isa't isa.It seems like I'm falling even more in love him as each day passes.
Cheesy pakinggan, oo. Pero iyon talagang ang pinaka-accurate na description sa nararamdaman ko para sa kanya.
"Pagkatapos ng graduation, aasikasuhin ko na ang pagpasok sa College of Medicine," sabi ko kay Raeken bago kinagatan ang burger na kinuha ko mula sa kanya. "Sayang nga eh. Hindi ko nakuha yung full scholarship. Pero okay lang naman iyon kasi nakasuporta naman sina mama sa akin."
Napangiti si Raeken. "Mabuti naman kung ganun. Kasi kung hindi ka pa talaga susuportahan ng parents mo, aampunin na talaga kita."
"Baliw. Hindi mo naman ako pwedeng ampunin. Gawin na lang kitang sugar daddy, gusto mo?" biro ko sa kanya.
"Pwede rin," pagsakay naman ni Raeken sa joke ko kaya nagtawanan kaming dalawa. Tapos ay napatingin siya sa araw na unti-unti nang bumababa. "Eh 'di magkikita na pala ulit tayo sa school kapag nagsimula na ang school year?"
Napatingin ako sa kanya. "Bakit? Papasok ka na ulit sa school?"
Tumango siya habang nakangiti. "Oo. Mag-aaral na ako ulit. Pero this time, I'm taking up Fine Arts."
"Eh akala ko ba gagawin mo lang na hobby ang pagguhit habang nag-aaral ka para maging doktor?" tanong ko sa kanya.
"Gusto ko rin naman ang pag-aaral ng Medicine pero hindi iyon ang naimagine kong gagawin ko hanggang sa mamatay ako. Sabi nga ng doktor ko, i-pursue ko daw yung totoong nagpapasaya sa akin. Syempre ipupursue ko ang Arts kasi gusto ko yun. At tsaka parang hindi ko gusto yung sitwasyon natin kapag mag-asawa na tayo. Pareho tayong doktor, eh 'di pareho tayong busy. Tsaka baka ma-pressure yung magiging anak natin na sundan ang mga yapak nating dalawa. At least kung nasa Arts ako, mararamdaman niyang malaya siyang pumili ng kahit anong career path na gusto niya, basta ba iyon ang nagpapasaya sa kanya."
Halos mabulunan ako sa mga pinagsasasabi ni Raeken. "Aba ha. Advanced ka mag-isip. Napunta ka na talaga sa pag-aasawa ah."
"Wala namang masama dun ah? Imagination lang naman. At tsaka matagal pa bago mangyari yun. Hindi pa nga tayo eh."
Napatingin ako sa kay Raeken, at hindi ko mapigilang mapangiti. Who knew that we would be part of each other's lives?
This guy... This guy stayed beside me while everyone else avoided me. He made me feel like I was wanted.
Hindi niya pinaramdam sa akin ng kakaiba ako, and he even helped me tolerate my condition, kaya nga hindi na ako basta nahihimatay o nasasaktan kahit pa nakakakita ako ng mga taong may sakit o may injuries.
Pinakinggan niya ako sa mga panahong walang nakikinig sa akin. He believed in me when nobody else did.
He loved me when I thought no one would.
He let me into his life, the same way I let him into mine.
Bakit ko pa ba pinaghihintay ang lalaking 'to?
"Wendy naman... Bakit mo kinain yung kalahati ng burger ko?" biglang pagsita sa akin ni Raeken. "Grabe ka naman. Meron ka pang isang burger diyan sayo oh. Bakit hindi na lang yan ang kinain mo?"
"Eh mas masarap kasi yung pinili mo eh," sagot ko naman. "Ito naman masyadong sensitive. O yan na yung burger mo. Kalahati pa naman ah. Pwede mo pang makain yan." Iniabot ko sa kanya ang natirang kalahating burger.
"Hindi na ako mabubusog dito. Kalahati na lang oh," tugon sa akin ni Raeken. Para siyang batang inagawan ng lollipop. Ang cute lang.
"Okay lang yan kahit hindi na buo."
Napatingin sa akin si Raeken. "Okay lang sayo kahit... hindi buo?"
Napangiti na lamang ako at kinuha ang natitira kong burger, tapos ay hinati ko ito. Iniwan ko sa tabi ko ang kalahati, at iniabot kay Raeken ang isa pang bahagi.
"Pwede ko namang ibigay yung kalahati ng sa akin para mabuo, hindi ba?"Saglit na natigilan si Raeken, na tila ba pinoproseso niya pa kung ano ang ipinapakahulugan ko sa sinabi kong iyon. Napansin kong nangintab ang mga mata niya, na para bang may nagbabadyang mga luha na umagos mula rito. Tapos ay ngumiti siya.
"Sigurado ka?" tanong niya sa akin.
Tumango ako, at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Raeken habang pinapanood namin ang paglubog ng araw.
Hinawakan ni Raeken ang kamay ko, tapos ay hinalikan niya ang likod nito bago ipinatong sa hita niya.
Habang magkahawak ang mga kamay naming dalawa, ramdam ko ang halo-halong emosyon sa loob ng sistema ni Raeken. Contentment, happiness, and love.It is the exact set of emotions I am feeling right now.
Noong mga sandaling iyon, parang may tali na nagdudutong sa aming dalawa habang magkahawak ang mga kamay namin.
We may be two different people, but it felt like we were one.
Napatingin ako sa kanya, just to catch him looking at me. Then he lowered his head and pressed his lips against mine. It was just a smack - brief, but meaningful. Nang iangat niya ang ulo niya ay nakangiti siya sa akin, tapos ay ibinulong niya ang mga katagang 'I love you' sa tenga ko.
Natawa na lamang ako, bago bumulong rin ng mga parehong salita sa kanya.
Then I fixed my eyes on the sun setting right before our very eyes.
Hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari sa aming dalawa. Alam kong marami pa kaming magiging mga problema, marami pang pagdadaanan. Our relationship will require deeper understanding of each other because of the conditions we have, but I guess it's the beauty of it.This is not our happily ever after, I don't believe in such things.
Pero masasabi kong ngayon pa lang nagsisimula ang isa panibagong kabanata sa buhay ko at sa buhay ni Raeken.
But because of a mere touch, our stories got intertwined. And now, we have to face all the good and bad things in our story together.
And just like that, the two halves of a whole were put together, and they made one.
-END-
BINABASA MO ANG
Touching You, Touching Me [✔]
Novela JuvenilIpinanganak si Wendy na may mirror-touch synesthesia. Ibig sabihin, lahat ng nakikita niyang nararamdaman ng ibang tao ay mararamdaman din niya. Makikilala niya si Raeken, isang mayaman, masungit at aroganteng lalaki na pilit tinatago sa kanyang pan...