CHAPTER SIX

3.9K 291 42
                                    

PAGKATAPOS ng activity namin sa ampunan ay nagtulong-tulong na ang lahat sa pagliligpit ng mga gamit at pagdadala nito sa mga sasakyan. Ang mga bata naman ay dinala na ng mga madre sa mga kwarto nila para magpahinga.

Habang abala ang lahat ay kasama ni Raeken ang iba naming mga lalaking schoolmate at nagtatawanan sila. Narinig ko ring may pinag-uusapan silang celebration, pero wala na akong pakialam doon. Hindi naman ako kasali eh.

Ayan. Sa kanila ka dapat dumidikit kasi pare-pareho naman kayong mukhang mga maaangas, ani ko sa sarili habang pinagmamasdan ko si Raeken kasama nila.

Napailing na lamang ako habang tumutulong ako sa iba sa paglilinis at pag-aayos ng mga upuan. Maya-maya ay lumapit sa akin si Raeken.

"May celebration mamaya. Sumama ka," sabi niya sa akin.

"Ayoko," tugon ko habang pinupulot ang mga plastic cups sa damuhan. "Kung gusto mong sumama, eh 'di sumama ka. Huwag mo akong dinadamay."

"Dapat sumama ka. Dapat lahat tayo nandoon," ani Raeken sa akin.

"Alam mo, napaka-diktador mo. Sinabi nang ayokong sumama eh. Tsaka alam ba ng mga professor natin na merong ganyan? Parang hindi naman yan kasali doon sa parental consent ah. Baka mamaya mapahamak pa ako," sagot ko.

"Inuutusan kitang sumama." Authoritative ang tono niya, pero hindi naman ako madadala nang ganoon.

"Hindi pa rin ako sasama. At huwag mo nga akong utusan. Kapag pinilit mo pa ako dahil lang school buddy mo ako, isusumbong ko kayo sa dean," matapang kong tugon.

Sa halip na sumagot ay basta niya na lamang akong tinalikuran at bumalik sa mga lalaki naming schoolmate. Ang iba naman ay isa-isa nang pumasok sa bus para makauwi na.

Nag-alinlangan akong sumakay doon dahil una, si Raeken ang kasabay ko kanina; pangalawa, paniguradong wala akong mauupuan sa mga bus na yan; pangatlo, hindi ako gustong makasama ng ibang mga schoolmate ko; at ang panghuli at pinaka-importante, siguradong matitrigger na naman ang kondisyon ko kapag sumakay ako sa school service.

Napahinga na lamang ako nang malalim. Mukhang magtataxi na lang ako ah.

Tahimik akong lumabas ng ampunan para hindi na nila ako mapansin at sitahin pa. Medyo matatagalan ako kung magcocommute ako, pero wala naman akong choice.

Hindi pa man ako nakakalayo ay nakarinig ako ng malakas na iyak mula sa likuran. Paglingon ko, nakasunod na pala sa akin ang pusang hawak ni Raeken kanina. Nagulat ako dahil hindi ko inakalang susunod at masusundan niya ako hanggang dito sa labas ng ampunan.

Agad ko siyang kinuha at hinihimas-himas. "Bakit ka sumunod?"

Gusto ko man siyang ibalik sa loob ng ampunan ay hindi ko na magagawa dahil baka makita lang ako ng iba ko pang mga kasama. Baka mamaya makita pa ako ni Raeken, pagdiskitahan na naman ako.

Napabuntong-hininga ako at tinitigan nang direkta sa mga mata ang maliit na pusa. Tapos ay napangiti ako. "Kung ayaw sayo ni Raeken, eh 'di akin ka na lang."

Medyo natagalan bago ako nakauwi dahil kinailangan ko pang maghanap ng masasakyan, at medyo may kalayuan rin ang tinitirhan ko mula sa venue ng naging outreach program namin. Pagdating ko sa bahay ay nagtaka ang mga magulang ko dahil may dala akong pusa.

"Andito na po ako. Medyo nahirapan akong mag-commute kaya ngayon lang ako," sabi ko habang nilalapag sa sahig ang bitbit kong kuting.

"Saan mo napulot yan?" tanong sa akin ni Papa na agad nilapitan ang pusang dala ko. Mahilig kasi sa mga hayop ang tatay ko.

"Doon po sa ampunan na venue ng outreach program namin. Nakasunod kasi sa akin habang pauwi ako, kaya kinuha ko na lang," sagot ko.

"Akala ko ba ayaw mong mag-alaga ng hayop?" tanong sa akin ni mama na kakatapos lang maghugas ng mga plato.

Touching You, Touching Me [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon