CHAPTER THIRTEEN

3.6K 287 86
                                    

"EFFECTIVE naman pala kapag sa akin ka lang nakatingin eh," pagyayabang ni Raeken. Naging effective kasi ang suggestion niya na sa kanya lang ako tumingin kapag nakakaramdam ako ng sakit habang nakatingin ako sa ibang participants ng outreach program namin. "Maybe you should always focus your eyes on me."

"Sawa na ako sa mukha mo, no," tugon ko bago uminom mula sa bote ng softdrinks na hawak ko.

Pagkatapos kasi ng activity ay sabay na kaming umalis ni Raeken. Pero bago niya ako ihatid ay naisipan naming tumambay muna sa isang park na hindi lang kalayuan sa venue ng outreach program.

"Magsawa ka man, kakailanganin mo pa rin ang mukhang 'to para hindi ka mahirapan sa kondisyon mo. Tandaan mo yan," tugon niya habang nakangisi.

"Ewan ko sayo," tapos ay tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "Teka lang, iihi muna ako. Huwag mo kong iwan ha?"

"Bakit naman kita iiwan? Sira ulo ka rin eh. Sige na, magbanyo ka na," natatawa niyang tugon sa akin.

Medyo malayo ang pinakamalapit na public comfort room mula sa park kaya natagalan ako bago makabalik. Dumaan pa ako sa isang tindahan para bumili ng pagkain kaya hindi ako nakabalik agad sa tinatambayan namin.

Nang binalikan ko si Raeken ay naabutan ko siyang pinagmamasdan ang dalawang batang lalaki na naglalaro sa isang seesaw. Tatanungin ko sana siya kung mahilig siya sa bata, pero nang mapansin kong napakaseryoso ng ekspresyon sa mukha niya ay pinili kong manatiling tahimik.

Nang ibinaling ko ang tingin sa dalawang batang naglalaro, napansin ko ang pagkakapareho hindi lang ng mga suot nila, pero pati na ng mukha nila.

Kaya siguro ganito na lang ang pagtitig sa kanila ni Raeken. Muntik ko nang makalimutan na may identical twin pala siya. Si Randall.

"Close din ba kayo ng kakambal mo?"

I saw Raeken flinch when I said that. Mukhang sobrang concentrated siya sa panonood sa kambal na iyon kaya hindi niya na halos napansin na nakatayo na pala ako sa tabi niya.

"H-ha?"

"Tinatanong kita kung close din ba kayo ng kakambal mo."

Umiling siya habang nakamasid pa rin sa kambal na patuloy pa rin ang paglalaro. "H-hindi masyado eh."

"Eh 'di ba dapat kapag kambal, sobrang close? Iisa ang pinagmulan ninyo, ang birthday ninyo, pati na mukha ninyo. Bakit naman kayo hindi magiging close?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman lahat ng kambal ganoon. At tsaka wala rin kaming chance para maging close."

"Bakit naman?"

Napakamot siya habang naiilang na tumingin sa akin. "Pag-uusapan ba talaga natin 'to, Wendy? Hindi kasi ako komportable eh."

"Aw, sorry. Sige, hindi ko na itatanong. Sorry."

"Wala yun. So ano, hatid na kita sa inyo?"

Tumango ako at sumunod sa kanya paalis sa park. Habang naglalakad, hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang ekspresyon ng mukha ni Raeken kanina habang tinitingnan niya ang magkapatid na naglalaro sa seesaw.

Kahit hindi niya sabihin, alam kong may nililihim si Raeken tungkol sa pamilya niya. Lihim na siguradong makakapagpaliwanag ng pagiging malihim niya, ng mga pasa at sugat niya, ng lahat ng tungkol sa pagkatao niya. Pero hindi ko siya pipilitin na ikwento iyon sa akin. Patience is always key, at hihintayin ko na lang hanggang sa handa na siyang magkwento.

Ang umintindi at maghintay. That is the least that I can do for him.



"UMINOM na po ba kayo ng gamot ninyo, Lola?" Naupo ako sa tabi ng lolo at lola ko na abala manood ng tv habang hawak ko naman si RJ.

Touching You, Touching Me [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon