CHAPTER FOURTEEN

3.5K 283 47
                                    

KASAMA ang Daddy niya, pumunta sina Raeken sa pulis para ipablotter ang nangyari. Kasama ko naman ang isang nurse sa loob ng emergency room habang nilalagyan ng elastic bandage ang braso ko.

Alam na ng mga magulang ko ang nangyari, pero sinabihan ko silang manatili na lamang sa bahay dahil baka kung ano pa ang mangyari sa lolo at lola ko na labis nang nag-aalala sa kalagayan ko.

Hindi nagtagal ay bumalik rin naman agad sina Raeken sa ospital, pero ang daddy niya ay nanatili sa labas para kausapin ang mga reporters na nagpupumilit na kunan siya ng pahayag tungkol sa nangyari.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang mommy ni Raeken. Iyon ang unang beses na nakita ko siya, at hindi maipagkakaila ang ganda niya kahit pa medyo nagkakaedad na. She really is indeed aging gracefully.

Pero kahit pa sobrang ganda niya ay hindi ko maitanggi ang kakaibang aura na lumalabas mula sa kanya. Isang tingin pa lang at alam ko nang merong mali sa pag-uugali niya. She might be smiling like an angel, and I may not have lots of experience mingling with other people, but I know there is something fishy about her I just can't deny.

Siguro dahil na rin ito sa kondisyon ko kaya nararamdaman ko ang mga iyon.

"Where's my son? Is he okay –"

"Mom..." pagtawag sa kanya ni Raeken habang nasa emergency room. "I wasn't hurt. It was Wendy. She saved me."

Tiningnan ako ng mommy ni Raeken mula ulo hanggang paa habang nakaupo ako at inaasikaso ng isang nurse. Kahit hindi niya sabihin, alam kong hinuhusgahan niya na ako. Maamo at maganda ang mukha ng nanay ni Raeken, pero hindi mo maikakaila na mataray at intimidating din ito.

Mas lalo iyong mararamdaman kapag lumapit siya. Kaya nga noong naglakad siya papunta sa akin ay halos mabulunan ako sa sarili kong laway.

"You are?"

"Wendy Martirez po. Kaklase po ako ni Raeken," magalang kong tugon habang iniiwaasan kong magtama ang mga mata naming dalawa.

"Were you hurt?"

"Sprain lang naman po ito –

"I don't know what has gotten inside Raeken's mind and he's hanging out with someone like you, pero mas maganda siguro kung iwasan mo na lang siya. I mean, this is also for your own good. Hindi ka na madadamay sa gulo ng pamilya namin. Hindi maganda sa image ng anak ko na meron siyang kaibigang gaya mo."

What the heck? So mas nag-aalala pa siya sa image ng anak niya kaysa sa naging kalagayan nito? I mean, okay lang kung hindi siya mag-alala sa nangyari sa akin kasi hindi naman niya ako anak. Pero hindi man lang ba niya naiisip na muntik nang patayin si Raeken kanina?

Napailing na lamang si Raeken dahil sa narinig niya mula sa nanay niya, at kitang-kita kong napahiya siya. Sinabihan na lamang niya ito na lumabas at samahan ang Daddy niya na magpa-interview. Pumayag naman ang nanay niya kaya kami na lamang ang naiwan sa emergency room.

"Ibang-iba ang ugali mo pagdating sa nanay mo. Para kang takot sa kanya ah," biro ko sa kanya habang tumatawa.

"Syempre. Baka mamaya pagalitan ako nun. Pero sorry sa inasal ng mommy ko sayo ha? I knew she was really rude to you... Image na naman kasi ang inaalala niya." ani Raeken na hindi makatingin sa akin nang diretso.

"Pansin ko nga. At tsaka okay lang naman iyon," tugon ko sa kanya. "Para namang may magagawa ako sa opinyon sa akin ng nanay mo. Tsaka kahit naman sa school, nagtataka ang lahat kung bakit sa akin ka lagi sumasama. Isa pa, baka nag-aalala lang talaga siya. Ganyan ang ibang mga magulang, hindi ba? Kung pwede lang nilang sisihin sa mundo kapag nasasaktan ang mga anak nila."

Touching You, Touching Me [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon