"ANAK, tingnan mo 'tong balita sa tv. Dali," ani Papa sa akin. "Hindi ba yan si Senator Arevalo? Yung tatay ni Raeken?"
Kakauwi ko lang noon mula sa school nang maabutan ko si Papa sa sala na nanonood ng telebisyon. Naupo ako sa tabi ni Papa at nakinood na rin ng balita. Nagpapresscon si Senator Arevalo para i-announce ang pag-withdraw niya ng kandidatura niya bilang bise presidente. Pero imbes na ituon ko ang pansin sa balita, inabangan ko kung naroon ba si Raeken sa presscon na iyon.
Huli ko kasi siyang nakita noong nasa ospital pa siya. Wala pa siyang malay noon. Matapos kong kausapin si Senator Arevalo ay hindi ko na siya nakita.
Ni hindi man lang niya ako pinuntahan o tinawagan man lang. Pakiramdam ko tuloy basta niya na lang akong kinalimutan matapos niyang magising sa ospital.
Ewan. Umasa talaga ako na magpapakita siya sa akin pagkatapos niyang maka-recover eh. Pero kahit anino niya wala akong nakita. Hindi na rin siya pumasok pagkatapos noon.
Sabi pa nga ng mga kaklase namin, nag-drop na daw si Raeken sa mga subjects niya at baka mag-aral na daw ulit sa Amerika. Hindi naman naibalita ang tungkol sa suicide attempt ni Raeken, pero may mga lumabas na tsismis tungkol sa pagpapa-admit daw ng mommy niya sa isang mental facility.
"Hindi pa ba kayo nakakapag-usap ni Raeken?" tanong sa akin ni Mama matapos abutan si Papa ng bagong timplang kape.
Umiling ako. "Hindi pa po. Bahala rin siya. Nakalimutan na ata ako nun eh." Tapos ay tumayo ako mula sa sofa at naglakad papunta sa kwarto ko. "Sige po, 'Ma, 'Pa. Magpapahinga muna ako sa kwarto.
Nang maisara ko ang pinto ay napatingin ako agad sa niregalo sa akin ni Raeken noong birthday ko. Hindi ko mapigilang mainis kapag naiisip ko siya, o kahit kapag nababanggit ang pangalan niya. Ilang linggo na siyang hindi nagpapakita o nagpaparamdam man lang. Wala man lang ba siyang pakialam sa feelings ko?
Hindi niya ba naiisip na hinahanap-hanap ko siya? Hindi man lang ba niya naisip na nag-aalala ako? Na gusto kong makibalita sa kung ano na ang ginagawa niya sa buhay niya?
Akala ko ba magkaibigan kami? Bakit ba kasi magkaibigan lang kami?
Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko. Wala akong masyadong alam sa mga relationships pero sigurado akong gusto ko siya.
Kasi kung hindi ko siya gusto, hindi naman ako magkakaganito.
Bakit ba kasi pinaramdam niya pa sa akin na special ako? Bakit ba kasi hinayaan pa niya akong makapasok sa buhay niya? Bakit ginusto niya pang maging parte rin ng buhay ko?
Binuksan ko ang phone ko, at tiningnan ang phone number niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tinawagan, pero mukhang hindi na iyon ang ginagamit niyang number.
Pakiramdam ko tuloy talagang binura niya na ako sa buhay niya. Pakiramdam ko wala na siyang pakialam sa akin.
"Miss na miss na kita, alam mo ba yun?" sabi ko sa sarili ko habang umiiyak. "Dapat pala hinintay na lang kitang magising para naman hindi ganito ang sitwasyon. Siguro kung hinintay kitang magising, siguro hindi ka biglang mawawala nang ganito. Bakit ba kasi ang engot ko?"
Gusto ko na talagang iuntog ang ulo ko sa pader noong mga sandaling iyon, nang biglang marinig ko ang pag-meow ni RJ.
Napatingin ako sa baba ng kama, at doon ko nakita si RJ na pinaglalaruan ang tsinelas ko. Kinuha ko siya at ipinatong sa ibabaw ng mga hita ko.
"Ayaw niya na ba akong maging parte ng buhay niya kaya bigla na lang siyang naglaho nang ganito?" tanong ko sa pusa.
Isang meow lang ang isinagot nito, bago nito ipinikit ang mga mata para matulog.
BINABASA MO ANG
Touching You, Touching Me [✔]
Teen FictionIpinanganak si Wendy na may mirror-touch synesthesia. Ibig sabihin, lahat ng nakikita niyang nararamdaman ng ibang tao ay mararamdaman din niya. Makikilala niya si Raeken, isang mayaman, masungit at aroganteng lalaki na pilit tinatago sa kanyang pan...
![Touching You, Touching Me [✔]](https://img.wattpad.com/cover/164656480-64-k203793.jpg)