CHAPTER FIFTEEN

3.5K 259 75
                                    

HINDI pumasok si Raeken noong sumunod na araw, pero bigla namang nagpakita sa school namin ang nanay niya para magbigay ng donation sa school para sa proyekto ng dean namin. Iyon yung mismong proyektong gustong ituloy ng dean namin kaya nagkaroon kami ng deal na magiging school buddy ako ni Raeken.

Habang pinapanood namin ang turnover ng mga equipment at ng cheke, hindi ko maialis ang tingin ko sa mommy ni Raeken. Magmula noong naikwento ni Raeken sa akin ang ginagawang pananakit sa kanya ng nanay niya ay nag-iba na ang tingin ko sa kanya. Hindi ko mapigilang mainis kapag nakikita ko siya, kahit pa parang napaka-judgemental na action iyon sa parte ko.

Hindi ko na tinapos ang program, at sa halip ay bumalik na lang ako sa loob ng school building. Sakto namang nakasalubong ko ang isang professor ko na nakisuyo sa akin na dalhin ko raw ang ilang mga papeles sa office ng dean ng college namin.

Medyo natagalan akong tapusin ang iniutos na iyon ng professor ko dahil hinintay ko pang bumalik sa dean's office ang sekretarya niya na pwede kong pag-iwanan ng mga papeles.

Paglabas ko ng opisina ay hindi ko akalaing makakasalubong ko ang isang mukhang kilalang-kilala ko.

Ang mommy ni Raeken.

Mukhang kagagaling lang nito mula sa washroom na malapit lang sa dean's office kung saan ako galing.

Hindi ko alam kung saan galing ang motivation ko na kausapin siya, pero hindi talaga ako mapapakali hanggat hindi ko siya nakakausap ng tungkol sa mga ginagawa niya kay Raeken.

Lahat ata ng tinatago kong tapang sa loob ng sistema ko nailabas ko na, masimulan ko lang ang pakikipag-usap sa nanay ni Raeken.

I walked up to her and lifted my face so I can look at her straight in the eyes. "Gusto ko lang po sana kayong makausap, Ma'am."

Tila nag-isip muna ang nanay ni Raeken, na para bang pinag-iisipan niya kung kakausapin niya ako o hindi. Huminga siya nang malalim, bago niya ako tinitigan nang direkta sa mga mata.

"What do you need?"

I cleared my throat, and gulped loudly before collecting all the remaining courage I have in my system. "Tungkol po ito kay Raeken. Hindi naman po sa nanghihimasok ako, pero concerned lang po ako sa anak ninyo dahil kaibigan ko siya. Alam ko pong sinasaktan ninyo siya. Nakikita ko po ang mga pasa niya sa katawan, at nakwento niya na rin po sa akin ang mga ginagawa ninyo sa kanya.

"Alam ko pong hindi ko business ito, pero hindi ko na po kayang makita si Raeken na ganoon. Siguro sanay na siya sa ginagawa ninyo kaya hindi niya na magawang umangal, pero sa perspective ko... Hindi ko po kayang nasasaktan siya nang ganoon.

"Kayo po ang magulang niya, at karapatan niyo po na disiplinahin ang anak ninyo kung kailangan. Pero Ma'am, hindi na po ata tama ang ginagawa ninyo kay Raeken -"

"He is my son, at alam ko kung paano siya didisiplinahin. And who the hell are you to comment on how I treat my son?" Pagak siyang tumawa habang umiiling-iling. "You know what, hindi ko alam kung ano ang pinakain mo sa anak ko at dikit siya nang dikit sayo, but it would be best for you if you leave him alone. Makakasira ka lang sa anak ko. Kapag lumapit ka pa kay Raeken at ipinagpilitan ang sarili mo sa kanya, I'll make sure you're going to get what you deserve. At pwede ba, wala kang pakialam sa pamilya namin. So stop bothering my son."

Matapos sabihin iyon ng nanay ni Raeken ay basta na lamang niya akong tinalikuran. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis dahil alam kong wala man lang siyang pakialam sa sinabi ko. Ramdam ko iyon kahit pinagmamasdan ko lamang siya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumagot muli. "Hindi kasalanan ni Raeken ang pagkamatay ni Randall, kaya hindi niyo dapat siya pinaparusahan nang ganito."

Touching You, Touching Me [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon