CHAPTER TWELVE

3.7K 315 81
                                        

NAGISING ako noong umagang iyon na katabi si RJ. Nakasiksik ang pusa sa may unan ko. Hindi ko mapigilang mapangiti habang mahimbing siyang natutulog. Ilang buwan na rin ang lumipas, at halatang-halata na ang pagbabago sa katawan ni RJ. Mas lumaki at tumaba na rin ito. Syempre alagang-alaga ko eh.

"Good morning, RJ," bati ko sa kanya bago lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Papa na nanonood ng tv sa sala. Napangiti ito nang makita ako. "Good morning, anak. Happy birthday," bati niya sa akin.

Naupo ako sa tabi niya at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. "Thank you, Papa."

"Twenty years old ka na ngayon anak," ani mama na abala sa pagluluto sa kusina. "Ano ba ang gusto mong regalo ngayong birthday mo?"

Nakangiti akong umiling bilang tugon. "Wala po, 'Ma. Matanda na ako para sa mga ganyan."

"Ganun ba? Eh may gusto ka bang gawin ngayong birthday mo? Kain tayo sa labas. O kaya, pumunta tayo sa kahit saan," suhestyon naman ni Papa.

"Papa, Mama, gastos lang yan. Dadaan na lang ako sa simbahan pagkatapos ng klase."

Ngumiti na lang si Papa at hinalikan ako sa noo, bago dumiretso sa kusina.
Napaupo ako sa hapag-kainan, kumuha ng tinapay, at walang kabuhay-buhay na kumain.

Hindi naman talaga interesado sa party o mga regalo ngayong birthday ko. Magmula pagkabata kasi ay hindi ko talaga naeenjoy ang mga iyon. Wala naman kasi akong mga kaibigan, kaya wala naman akong iimbitahan.

Noong bata pa ako, yung mga anak ng mga kapitbahay namin ang pumupunta kapag birthday ko, pero hindi ko naman talaga sila naging kaclose kaya noong nagtagal ay hindi na ako nagcelebrate ng birthday. Wala naman kasing pupunta. Tsaka yung mga regalong nakukuha ko, madalas galing lang naman sa mga kamag-anak ko.

My birthday is just like any other day.

Ordinary and boring.



PAPASOK pa lang ako ng gate ng school namin ay natanaw ko na si Raeken na naghihintay sa akin habang nakasandal sa kotse. Nang makita niya ako ay kinatok niya ang driver ng sasakyan, tapos ay umalis na ito.

"Good morning," bati niya sa akin habang isinusukbit ang bag sa likod niya.

"Aba. Ngayon na lang kita nakitang nagpahatid ka sa driver ninyo."

"Minsan kasi dyahe rin magmaneho eh," tugon niya sa akin. "Tara, sabay na tayong pumunta sa klase natin. May exams tayo ngayon. Tabi tayong maupo para may mapagtanungan ako."

"Hindi ka kasi nagrereview. Sakit mo sa ulo," I replied chuckling.

Habang naglalakad kami papunta sa klase ay bigla akong natigilan. Mula sa kinatatayuan ko ay pinagmasdan ko si Raeken na naglalakad palayo sa akin.

Parang gusto kong sabihin kay Raeken na birthday ko. Wala lang, baka sakaling batiin niya ako. Parang masarap sa pakiramdam eh. Alam mo yun, yung minsan sinasabi mong wala kang pakialam na walang nakakaalala ng birthday mo, pero deep inside gusto mong sabihin iyon sa lahat para batiin ka nila.

Pero syempre, hindi ko sasabihin kay Raeken iyon. Baka isipin pa niya attention-seeker ako. Baka pagtripan pa ako ng –

"Okay ka lang?"

Nang marinig ko ang boses ni Raeken ay doon ko lamang napagtanto na natulala na pala ako sa kinatatayuan ko.

"O-okay lang ako."

"Tulala ka kasi dyan eh."

Napakamot na lamang ako. "Napuyat kasi ako kakareview eh. Sorry."

Raeken tapped my head gently. "Tara na nga. Baka makatulog ka pa habang nakatayo dito."

Touching You, Touching Me [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon