[1] ~ Broken Promises

271 10 5
                                    

[1] ~ Broken Promises

-Edited Version-

---

•Ayesha Yumiko's POV•

"G*go ka." Mura ko sa picture frame na hawak ko. Picture kung saan naka-akbay sakin ang EX-Boyfriend ko. Si Callix.

"Sabi mo mamatay ka kapag nawala ako? Eh bakit ikaw naunang nawala? Buti nalang, di ako nagsabi ng ganun sayo. Hahaha!" Tawa ko kahit nagsisi-unahang tumulo yung luha ko.

"Three months na dre. Bakit ang sakit pa rin?"

"Lakas ng tama ko sayo. Mamatay ka na nga." Sabi ko tsaka hinagis sa pader yung picture frame.

Nakita ko naman kung paano nagkahiwa-hiwalay yung salamin ng frame.

Parang ako lang. Nung una buo pa. Nang binato ni Callix, nagkabasag-basag na.

Nilapitan ko naman yung basag na frame.

Bubog..

Kumuha ako ng matulis na bubog. Tinapat ko naman 'to sa pulso ko.

Ayoko na..

"Anak!" Sigaw ni Mama. Hindi ko na namalayang nakapasok siya.

"Anak, tama na! Akin na 'yan. Tumayo ka diyan."

Kitang-kita sa kanya yung pag-aalala niya. Saksi si Mama sa katangahan ko. Nakita nanaman niya akong may hawak na bubog.

"Anak naman eh. 'Wag mo namang pahirapan ang sarili mo. Di mo dapat iniiyakan ang mga ganong lalaki."

Nakatingin lang ako sa kanya. Naawa na nga ako sa sarili ko eh. Pero di ko mapigilan, Ma eh.

Gusto ko sa kanya sabihin yan. Pero nahihiya na ako sa kanya eh. Puro nalang ka-dramahan at ka-gagahan ang nangyayari sakin.

"Mama.." Tawag ko sa kanya. Naiiyak nanaman ako.

Tinignan niya lang ako na may awa sa mata.

Napayakap na lang ako sa kanya. Di ko na kaya.

"Ayoko na, Ma." Iyak ko sa kanya.

"Shh. Tahan na anak." Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

***

Naglalakad kami ngayon ng kapatid ko papunta sa park. Sinamahan ko baka kasi may mangyaring masama.

Habang naglalakad kami, may nakita akong isang malaking glass house.

>>Flashback

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Callix sa isang park malapit sa school. Dito muna kami ngayong 1st monthsary namin.

"Beb, kapag kinasal na tayo, dito tayo sa titira." Sabi niya habang tinuturo ang isang bahay na merong malalaking glass na kita yung loob ng bahay.

"Wushuu. Kahit naman sa barong-barong lang tayo tumira, papakasalan pa rin kita." Sabi ko tsaka pininch yung nose niya.

"Ang sweet ng beb ko. Tara na nga. Balik na tayo sa school."

>>End of Flashback

Nakakainis pala minsan yung kakornihan ko dati. Parang ang sarap sumuka kapag naiisip ko yung mga bagay na 'yun.

"Ate! Nagii-space out ka nanaman." Sigaw ng kapatid ko ng makaupo siya sa swing.

Habang ako, naiwan pa dun sa may arch. Buti pa ang bata, walang iniintinding problema.

Four months lang ang tinagal namin ni Callix. Hiniwalayan niya ako para lang balikan 'yung ex-girlfriend niya. Si Vanessa.

Compared sakin, mas matalino siya. Mabait din. Maganda siya. Pero sa kabila ng pagiging mabait at maganda niya, may tinatago ding baho ang ugali.

Binubully ako school namin dati dahil nalaman nila na ako ang pinalit ni Callix kay Vanessa. Si Vanessa na gusto ng lahat.

Pero nakaiiwas din ako sa mga pambubully nila dahil sa pagtatanggol ni Callix. Kaya nung nagkahiwalay kami, ganun na lang ang pangbubully nila sakin.

Paglalagay ng patay na daga sa locker ko, pagsisira ng mga libro ko, pagharang ng paa para madapa ako, at pagtulak sakin sa pool ng isang fan ng Vanix (Vanessa at Callix).

Pinagtiisan ko yun sa loob ng isang buwan. Hindi alam nila Mama 'yun. Gumagawa na lang ako ng valid reason para di nila malaman.

Nang dumating ang Recognition, sobra-sobra ang pasasalamat ko sa lahat. Na natapos din yung isang buwan. Dun lang din nalaman nila Mama ang lahat.

"Ate, bakit ba ang lungkot mo? Nasira ba laruan mo?" Tanong ng kapatid ko. Siya nga pala si Aiko Yael.

"Oo eh. Sirang-sira."

"Pabili ka ng bago kay Mama."

"Di na kailangan. Kaya ko namang ayusin eh. Di lang alam ni Ate kung paano sisimulan."

"Edi kumuha ka ng glue, Ate." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hindi ganon kadali pagdikitin yun. Hayaan mo na. Ako bahala dun."

Tumahimik naman siya saglit. Pero bigla namang nagningning yung mata niya.

"Habulan tayo, ate. Ako taya. Hahaha!" Pag-aaya niya. Bigla naman siyang tumakbo.

Ayoko namang ipakita sa kapatid ko na lagi akong malungkot. Kaya sinakyan ko nalang ang trip niya.

Nagtatakbo lang kami hanggang sa nadapa ako.

>>Flashback

"Gaano mo ko kamahal?" Tanong ko kay Callix habang nakaupo kami sa isang bench. 2nd Monthsary namin ngayon.

"Sobra pa sa sobra. 'Yung tipong kapag nawala ka sa buhay ko, mamatay ako." Sagot niya.

"Korni mo beb. Wala na bang ii-improve 'yan?" Pang-aasar ko. Ganyan ko kung itago ang kilig ko.

"Kinilig ka naman. Alam ko namang di mo matitiis ang ka-kornihan ko beb e." Sabi niya tsaka ako tinusok sa tagiliran ko.

"Ano ba! Tumigil ka nga." Malakas kasi ang kiliti ko sa tagiliran.

"Ha? Di ko maintindihan." Pagbibingi-bingihan niya atsaka ako kiniliti sa tagiliran.

"AHAHA--TAMA NA!--CALLIX!!--HAHAHA!" Tawa-tili ko habang kinikiliti niya ako.

Bigla naman akong tumakbo para maka-takas sa pangingiliti niya.

Hinabol niya naman ako hanggang sa naghabulan na kami. Nahuli naman niya ako sa pamamagitan ng pagbabackhug sakin.

"I love you beb ko." Sabi niya tsaka ako kiniss sa cheeks.

"I love you too."

>>End of Flashback

"Ate ayos ka lang? Nagdudugo 'yung tuhod mo."

Umiling ako bilang sagot. Wala akong pake sa tuhod ko. Sa puso ko, oo.

"Saan ba ate masakit? Bakit ka umiiyak? Tahan na ate."

"Dito." Sagot ko tsaka tinuro 'yung puso ko.

Wala na ako sa buhay mo ngayon, Callix. Pero bakit imbes na ikaw 'yung masaktan,  bakit ako?

---

Note: Happy New Year, guys! 2015 na lateeerr~ 'Yan na gift ko ^3^

(12/31/14)

What Can It Be? [Hiatus | Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon