[7] ~ Frienemy

107 10 1
                                    

âÂ¼ ~ Frienemy

---

•Cody's POV•

Sarap asarin ng babaeng 'to. Sayang lang, nagwalk-out eh. Kala mo nasa isang telenovela. Masyadong feelingera.

Hindi ko na siya sinundan. Baka mag-assume na crush ko siya eh. Kadiri lang. Maraming naghahabol sakin diyan sa tabi-tabi. Sila nalang kesa kay Ms. Taray.

Pansin ko lang, puro nalang Ms. Taray ang tawag ko sa kanya. Ano ba pangalan niya?

Dumiretso nalang ako sa may Faculty room. Wala ng katok-katok. Anak naman ako ni Ma'am Castillo eh.

"Bakit napadaan ka ata, Cody?" Tanong ni Mommy.

"Wala. Ilang minutes pa naman bago ang next subject ko eh." Sabi ko.

"Ah sige." - Mommy.

Nagdadalawang isip ako kung itatanong ko ba kay Mommy yung pangalan ni Ms. Taray.. Pero sa huli, naitanong ko rin sa kanya, "Ma, ano ba pangalan nung babaeng bagong lipat sa section namin?"

"Ah. Yung transferee ba? Si Ayesha Dizon. Galing sa Rockstone Academy." Sabi ni Mommy. Buti nalang at hindi na naghinala.

Ah.. Kaya pala.. Transferee pala siya. Pero bakit siya nasa first section?

Bahala na.. Ayesha pala ang pangalan niya. Masyadong pang mabait yung pangalan niya. Hindi bagay sa kanya.

Tinignan ko naman yung wall clock nila sa faculty room. 5 minutes nalang at tapos na ang break namin.

Nagpaalam na ako kay Mommy at bumalik na room. Nakita ko pa nga yung next subject teacher namin na paakyat na sa floor namin, kaya tumakbo ako at inunahan siya. Syempre hindi ko pwedeng ipakita ang gwapo kong mukha. Hindi naman pwedeng all the time nalang naka-expose.

Umupo na ako sa pwesto ko. Nakita ko naman si Myrko sa tabi ko. Kinalabit ko kasi mukhang may problema. Lumingon naman siya sakin.

"Spill, bro." Simpleng sabi ko sa kanya.

"Medyo nagka-misunderstanding lang kami ni Zyril. Mukhang meron eh." Sabi naman niya.

"Sa mga sinasabi mo, mas lalo akong hindi magigirlfriend, bro. Hindi mo ko gayahin, pa-chill chill lang." Sabi ko na may kasama pang nakakalokong ngiti.

"Tigilan mo nga 'ko, Cody. Wala naman akong mapapala sayo eh." Pangiisnob niya sakin.

"Pasalamat ka nga pinsan mo ang isang gwapong tula-"

"ANDYAN NA SI SIR!!" Sigaw ng isa naming kaklase. Papansin 'tong isa na 'to eh.

"Weh?! Di nga?!" Kontra naman nung isa. Sinilip niya pa yung pinto, tsaka humarap ulit samin, "ANDYAN NA NGA SI SIR!!" Sigaw naman niya.

Yung totoo? Nasa first section ba talaga ako?

***

Second day, huh? Kung kahapon maingay kami.. Pwes, mas maingay kami ngayon. Pero si Sha-sha (Nickname ko para sakanya. Wala eh. Nacu-cute-an ako sa 'sha-sha'. Pero don't get me wrong! Hindi ako bakla), tahimik pa rin hanggang ngayon. Wala pa naman kasing nagtatangkang makipag-usap sa kanya, pwera sakin.

At syempre, dahil first subject namin ay si Mommy, hindi ulit ako makikinig. Mamaya lang sa bahay, pag nagtanong ako kung ano ibig sabihin ng ganto, ieexplain na niya sakin lahat, kahit ang hinihingi ko ay yung meaning lang. Isa yan sa mga advantages/disadvantages ng pagiging anak ng isang teacher.

Pero nakuha niya ang atensyon ko na may ipapagawa siyang activity. Agad naman akong lumapit at binulungan si Mommy, "Group Activity, Ma."

Gusto ko kasing may makausap si Sha-sha. At sa pagkakaroon ng group activity, magkakaroon na siya ng time para makausap ang mga classmates namin.

Sinunod naman ni Mommy yung suggestion ko. Ginroup niya kami into 5 groups and 8 members each group. Magkagrupo sila ni Myrko. Dapat pala nakipagpalit ako kay Myrko para sakin tumapat yung no. 4.

As usual, breaktime pagkatapos ng subject ni Mommy. Hinanap ko si Sha-sha kung nasaan, at nakita kong kausap niya si Myrko. Tingin ko, nag-uusap sila about sa group activity.

Hinintay ko nalang si Sha-sha sa labas ng room. Hindi nagtagal, niluwa din ng room si Sha-sha, na nakangiti na parang ewan.

"Hoy! Para kang tanga." Sabi ko sa kanya.

"Huh?! Uy! Mr. Akyat Bakod!" Sabi niya sakin. Para namang ewan 'to.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit concerned ako dito sa babaeng 'to.

"Ah, oo. Ngayon ko lang napansin, ang cute pala ni Myrko.." Sabi niya.

Naglalakad kami ngayon papuntang canteen. Bumili lang siya ng isang burger at mineral water. Bumili rin ako ng isang burger at isang soda in a can.

Umupo kami dun sa seat na kung saan kami pumwesto kahapon.

"Crush mo si Myrko 'no?" Tanong ko sa kanya.

"H-hindi a-ah!" Halatang nagsisinungaling siya. Tsaka nagbublush siya eh.

"'Wag mo nga akong niloloko Sha-sha. Hindi pa kita ganun kakilala, pero marami na akong nakilalang ganyang babae tulad mo." Sabi ko sa kanya.

"Tsaka 'wag ka nang umasa kay Myrko. Baliw na baliw yun sa girlfriend niyang si Zyril." Dugtong ko.

"Okay lang. Well, crush palang naman eh. Marami akong crush sa mundo. At natural lang yun kasi babae naman ako." Sabi niya.

"Isa na ako dun, 'no?" Pagaassume ko.

"G*go. Asa ka pa!" Sigaw niya sakin.

"Nga pala, bakit 'Sha-sha' tawag mo sakin, eh Ayesha ang pangalan ko?" Tanong niya.

"AyeSHA. Inulit ko lang yung 'sha' mo sa dulo." Explain ko.

"Alam mo, mas okay kapag ganto lang tayo. Yung hindi tayo nagsisigawan." Sabi ko.

"Haha! Oo nga eh. Alam mo, ganto nalang ulit ako naging kasaya. Well, friends?" Sabay ngiti at lay ng hands niya sakin.

"No. We're frienemies, Ayesha." Sabi ko na ikinatawa naming dalawa.

"Sure! Frienemies." - Ayesha.

Nginitian ko lang siya tsaka niya tinuloy yung pagkain niya.

---
A/N: 3 in 1 ulit! Haha. Nakakatuwa kasi natapos ko ang:

Chapter 5: One day.
Chapter 6: 2 hours.
Chapter 7: 3 hours.

Minsan lang ako sipagin ng ganto kaya susulitin ko na XD

At thank you dahil 100 reads na ang WCIB (Oo, alam kong hindi pa 1k, pero napakalaking blessing na 'to para sakin, na minsan lang magseryoso sa pagawa ng story)! Pag sinipag ako, isusunod ko na yung Chapter 8 mamaya XD

What Can It Be? [Hiatus | Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon