[9] ~ Getting to know each other, eh?
---
•Cody's POV•
Tignan mo 'to. Bakit ba lagi nalang ako ang nakakawitness nang mga kamalasan nito ng babae na 'to? Nakasandal lang sa balikat ko habang natutulog. Mukhang stressed at kulang sa tulog.
Ilang minutes nalang at magsisimula na ang next subject naming dalawa. Ayoko namang istorbohin si Sleeping Beauty-este si Sleeping Ugly.
Sino nga bang niloloko mo, Cody Ezekiel? Maganda naman siya ah? Hindi siya katulad ng ibang babae sa tabi-tabi na walang ibang inatupag kundi pulbo at kung ano-anong pampaganda pero di naman gumaganda. Simple lang siya at walang arte sa buhay.
Naglalakad-lakad ako papunta sa garden ng school kanina ng makita si Ayesha na tulala. Parang pinagsakluban ng langit at lupa sa tindi ata ng pinagdadaanan.
At ayun nga. Nagspill siya sakin tungkol sa kanila ng ex niya. Hindi ko nga inakala na nagkaroon na pala siya ng boyfriend dati. Pero ang laki niyang tanga dahil niloko niya lang ang isang Ayesha Dizon.
Tinignan ko ulit si Sleeping Beauty-este Ugly ulit. Ang himbing pa rin ng tulog. Buti nalang at halos walang tao dito sa garden. Sana forever nalang siyang tulog (Pero parang sinabi ko na rin na mamatay na siya? Uy wag!).
Natanga ata ako dahil ngayon ko lang naisipang tawagan si Dane, isa sa mga kaibigan ko, na at the same time, classmate ko.
Calling Dane..
[Uy Cody! Napatawag ka?] sagot ni Dane sa kabilang linya.
"Andyan na ba si Sir?" -Ako.
[Wala eh. Sinagad na din yung vacant natin hanggang last subject. In short, class dismissed na tayo. May biglaang meeting lahat ng teachers.] -Dane.
"Sige. Salamat, bro." Tsaka ko in-end yung tawag.
"Pasalamat ka, sleeping.. Ayesha na nga lang! Wala na tayong klase." Bulong ko sa kanya at tsaka hinawi yung buhok na nakaharang sa mukha niya.
***
•Ayesha Yumiko's POV•
"Magagawa natin 'to, okay?" Sabi sakin ng di ko maaninag na lalaki.
Nakita ko naman ang sarili ko sa kabilang banda, "Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nina Mama at Daddy."
Hindi ko alam yung mga nangyayari. Wala akong maintindihan kahit isa. Bakit nasama ang parents ko dito? Tsaka sino 'tong lalaki na kasama ko dito?
Nagda-drive siya habang umuulan. Nakikita ko naman ang sarili ko na umiiyak sa tabi nung lalaki.
"Shhh.. Sana maintindihan nila tayo." Sabi ulit nung lalaki at lumingon sa akin.
Nakita ko naman na babangga kami sa isang malaking.. TRUCK?!
"LOOK OUT!!!!!"
*Eeeeeeeeeeppppp*
"HINDIIIIIIII!!!!!" Sigaw ko mula sa.. Panaginip??
"U-uy! Ayos ka lang?" Napalingon naman ako sa nagtanong-si Cody.
"O-oo. Panaginip lang." Sagot ko naman sa kanya.
"Anong oras na ba?" Tanong ko naman sa kanya.
"10:57am." Simple niyang sagot.
"ANO?!!! Diba kanina pa yung after recess subject natin? Ang malas naman!!" Sigaw ko sa pagkakadisappoint ko.
Second day palang ngayon. Tas may di kagad ako napasukang subject? TT____TT
BINABASA MO ANG
What Can It Be? [Hiatus | Editing]
Fiksi RemajaMinsan, kailangan mo rin masaktan para malaman mong mahal mo talaga siya. At minsan, ang bilang ng sakit na nararamdaman mo sa kanya, ang sukat din kung kelan mo marerealize na tumigil na. All Rights Reserved 2014 Written By: OreoMonsterr_