[8] ~ His Girlfriend

104 9 3
                                    

âÂ½ ~ His Girlfriend

---

•Ayesha Yumiko's POV•

Cody D. Castillo is now my frienemy. Okay lang naman diba? Diba?

Oh yeah, whatever. Tanungin ko nalang 'tong katabi ko.

"Uy.. Ano ba yung binulong mo sa Mommy mo kanina?" Tanong ko.

"Yun ba? Wala. Hayaan mo na yun." Sabi naman niya.

"Kfine." Sagot ko.

Habang kumakain kami, nakita ko naman si Myrko na may akbay na babae. Siya ba yung tinutukoy na girlfriend ni Myrko?

"Oo, siya nga si Zyril. Siya yung girlfriend ni Myrko." Out of blue na sabi ni Cody.

Tinignan ko lang siya. Mind reader ba ang isa na 'to?

"Hep! Wag mo kong pag-isipan ng iba. Obvious sa mukha mo na parang nagtatanong ka kung siya ba yung girlfriend ni Myrko. Sinagot ko lang, kaya 'wag kang maarte." Dagdag niya.

"Kfine." - Ako. Wala akong maisip na isasagot eh.

"Wala ka na bang ibang alam, kundi 'kfine'? Tss.." - Cody.

"Whatever." Tipid kong sagot.

"Isa pa yang 'whatever' mo. Ang arte mo, sa totoo lang." - Cody.

"Am I asking your opinion? Tsaka wala ka na din bang alam gawin kundi pansinin ang attitudes ng ibang tao? Makalayas na nga." Sabi ko tsaka tumayo para bumalik sa room.

"Pikon." Pahabol pa niyang sabi.

Hah! Frienemies nga.

***

Nandito ako ngayon sa may school garden. Walang teacher. Absent daw si Sir Sanoy. One hour vacant, huh?

Habang nakaupo, nakakita naman ako ng dalawang magkarelasyon. Teka, medyo familiar yung lalaki sakin.

At hindi nga ako nagkakamali.. Si Myrko 'yun! Kasama niya si Zhaira? Zyreen ba yung pangalan? Basta yun start with letter 'z' yun eh.

She's totally looks so gorgeous. Kabog na kabog ang isang artista! Ang puti niya tsaka ang tangkad niya! Walang-wala yung tangkad ko..

Wait! Why am I comparing myself to Myrko's girlfriend? Nahihibang ka na ata, Ayesha..

Napalingon naman sa direksyon ko si Myrko. Kumaway ako ng konti para mapansin niya ako. Ngumiti naman siya sakin, at nakita kong papunta sila dito sa pwesto ko.

Tumayo ako at tsaka naman nagsalita si Myrko, "Nandyan ka pala, Alyssa? Tama ba?" Tanong niya.

Ha-ha-ha. Grabe. Alam na alam niya yung pangalan ko! Bravo!

"Ayesha. Hindi Alyssa." Pagko-correct ko sa kanya.

"Ah! Pasensya na. Ayesha, si Zyril. Girlfriend ko." Pagpapakilala niya sakin kay Zyril. Okay, Zyril pala yung name niya.

"Zyril Villanueva. His Girlfriend. Sa 4-B ako naka-room. Ikaw?" Sabay lahad ng kamay niya.

"Nice to meet you, Zyril. Ayesha Dizon." Tipid kong sagot, tsaka nakipagshake hands sa kanya.

"We better go, Ayesha. One hour vacant pa naman, kaya sa café muna kaming dalawa." Sabi ni Myrko.

"Sige lang. By the way, you're perfect together." Sabi ko at ngumiti sa kanila.

Nag-thank you nalang sakin si Zyril at umalis na sila. Ang swerte nila sa isa't isa. Hanga din ako Zyril. Kasi sa kabila ng pagiging sobrang ganda niya, sobrang bait niya pa rin. Nakakatuwa silang dalawa..

Sana ganyan din kami Callix.. Sana hindi nalang niya ako niloko.. Sana hindi na bumalik si Vanessa sa buhay namin.. Sana masaya kami ngayon.. Pero hanggang 'sana' nalang 'tong mga sinasabi ko. At never nang magkakatotoo, dahil matagal na kaming tapos ni Callix. Parang isang nilukot na papel, na kahit anong gawin mong pagpapadiretso, hindi na talaga babalik sa dati. Kung paplantsahin mo naman, masusunog naman at lalong hindi na babalik sa dati..

Hindi ko namamalayan na may pumatak ng tubig sa cheeks ko. Tumingin ako sa itaas.. Hindi naman umaambon o umuulan..

"Tss.. Bobo ka talaga. Panyo oh." Si Cody na may inaabot na panyo sakin.

"Wag na." Sabi ko. Pinunasan ko naman yung pisngi kong may patak ng luha ko.

"'Wag kang maarte. Pasalamat ka nga may gwapo-"

"OO NA!" Sigaw ko tsaka kinuha yung panyo.

"Spill." Tipid niyang sabi.

"Close tayo?" Sabi ko naman.

"Ano pang silbi ng pagiging frienemies natin?" Sabi naman niya.

"Oo na nga lang.." Sagot ko.

Tinitigan ko lang yung panyo, at bigla nanaman akong umiyak..

"Ang tanga tanga ko kasi eh! Bakit ako nagpaloko sa kanya! Bwiset na pag-ibig! Isang buwan at kalahati na ang nakakalipas, heto parin ako! Umiiyak dahil sa katangahan ko!" Iyak lang ako ng iyak.. Hindi ko namalayang yakap-yakap na ako ni Cody. Hindi ko din alam, pero nahihilo ako..

"Iiyak mo lang. I'm always here for you, Ayesha.."

-----

A/N: Tadaaa~ 4 updates in 1 day ako ngayon XD. First time sakin 'to kaya sulitin! WAHAHAHA.

Next update? Sa Weekend mga dre. Pagod na yung brain cells ko kaka-update XD

What Can It Be? [Hiatus | Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon