[4] ~ Cellphone exchange

162 10 0
                                    

[4] ~ Cellphone exchange

-Edited Version-

---

•Ayesha's POV•

"Nakakunot noo mo?" Salubong sa'kin ni Mama.

"Wala po 'to."

"Umagang-umaga, ganyan itsura mo. Sana naman hindi si Callix ang dahilan niyan?" Tanong ni Mama.

Oh yeah? Speaking of him. Medyo okay-okay na ako these past few days. Bumalik na 'yung dati kong energy at halatang nakakarecover na sa mga pangyayari. Well, good for me.

"No. May naalala lang," Sagot ko.

"Ano? Or should I say, Sino?" Intriga ni Mama na may kasamang nakakalokong ngiti.

"Ma naman! Wala 'to. Nothing to worry." Pag-iwas ko sa topic.

Tinignan lang ako ni Mama ng nakakaasar, "Sige. Sabi mo eh. Kumain ka na. Ngayon ang enrollment mo sa E.H diba? Samahan pa ba kita?"

"'Wag na po Ma. Kaya ko naman eh." Sagot ko atsaka kumuha ng isang slice ng tinapay at naglagay ng cheese spread doon.

"O sige. Sunduin ka na lang namin ni Aiko at diretso tayo sa Mall."

"Hmmkay."

***

Nandito ako ngayon sa harap ng principal ng school. May itatanong lang daw siya, at ichecheck niya ang background ko sa school para malaman kung papasa nga ako dito.

"Good Morning, Ms. Dizon." Nakangiti at mapagobserba niyang bati.

"Good Morning din po Madam."

"So let's start. Sandali lang naman 'to," Panimula niya.

"Base on your records, okay naman ang profile mo sa dati mong school. Matataas ang grades mo. 'Wag mo sana masamain 'yung question ko, pero bakit ka pa lilipat kung last year mo na sa school na 'yun?" She asked.

Napatahimik lang ako sa tanong niya. May valid reason naman ako, kaso hindi ko alam kung paano 'yun sasagutin.

"Oh I'm sorry Ms. Dizon. Okay lang kahit di mo na sagutin." Pagpapaumanhin niya.

"Okay lang po Madam. Hindi lang po talaga maganda ang mga nangyari nung nandoon pa ako." Sagot ko.

Tumango-tango naman siya, "Okay. That's all Ms. Dizon. So, see you sa pasukan." Sabi niya at nginitian ako.

"Thank you po."

Pagkalabas ko, ay tinext ko na si Mama na tapos na ako mag-enroll. Maghintay na lang siguro ako sa waiting shed.

Makalipas din ng ilang minuto, dumating na rin sina Mama. Binuksan ko naman 'yung pinto ng kotse at umupo dun sa tabi ni Mama. Nasa likod naman si Aiko.

***

Pagkatapos naming kumain sa isang fast food chain, dumiresto muna kami sa National Bookstore para bumili ng mga school supplies ko.

"'Yung libro mo nga pala, sa makalawa natin makukuha. Ikaw na lang ang kumuha ha?" Sabi ni Mama.

"Sure. No problem po."

Pagkatapos namin bayaran lahat, dumiretso naman kami sa Toy store. Nag-aya si Aiko eh.

Humiwalay naman muna ako sa kanila, at nakakita ako ng isang stuffed toy. Niyakap ko naman iyon at binalik din doon sa rack.

Paglingon ko kanila Mama, andun na sila sa counter. Lumabas na ako at hinintay na lang sila doon.

Naglalakad na kami palabas nang biglang nagring ang phone ko.

'Papa calling...'

Sinagot ko naman 'yon, "Hello po Papa?"

["Anak! Kamusta ka na diyan?"]

"Okay nama—"

Bigla namang nalaglag ang cellphone ko nang may nakabungo ako. Nabitawan niya din 'yung phone niya kaya agad naming pinulot 'yung phones namin.

"I'm sorry Miss." Pagpapaumanhin niya.

Nagkatinginan naman kami... What a small world?!

"IKAW?!" Sabay naming duro sa isa't-isa.

Tinignan ko lang siya ng masama. Hinila ko naman 'yung kapatid ko palayo sa ugok na 'yun. Bakit ba bigla na lang nawala si Mama?!

"Sandali lang Miss!" Rinig kong tawag nung ugok ngunit 'di ko pinansin.

"Ate tawag ka niya." Sabi ni Aiko, pretaining to that ugok.

"Hayaan mo siya."

Kung saan-saan na namin hinanap si Mama, pero wala pa rin. Nakalayo na kami, at naghihintay kami dito sa may foodcourt. Pinaupo ko muna si Aiko at hinanap ang phone ko.

Binuksan ko naman iyon at napansing nawala ang password ng phone ko. Iba din ang wallpaper nito..

Doon ko lang na-realize, HINDI ITO ANG PHONE KO. Nagkapalit kami ng ugok na 'yun!

Pero kesa unahin 'tong nangyaring pagkakapalit namin ng phone, tinype ko kagad ang number ni Mama. Buti na lang at kabisado ko. Tetext ko siya.

Sorry, your balance is not enough for sending this message.

Wow ha! Ang bait naman ng ugok na 'yun at wala pa siyang load! Saan ako hahanap ng mapagloload-an dito?!

*Beep*

Napatingin naman ako sa cellphone. One message received. Number ko 'to ah?

From: +639246810120

Siguro naman aware ka na nagkapalit tayo ng phone? Tumawag 'yung nanay mo sa phone mo. Nag-aalala. Buti alam niya passcode ng phone mo. Meet tayo sa may *****.

Dumiretso naman kami ni Aiko sa sinabi niyang lugar. Andun siya nakatayo na tila ba may hinihintay. Nakita ko ding parang may kinakalikot siya sa phone ko.

"Hoy." Sabi ko at inagaw ang phone ko. Dinukot ko naman sa bulsa ko 'yung phone niya at hinagis sa kanya. "Walang kwenta naman 'yang phone mo. Walang load. Tss."

Tinignan niya lang ako. "Papunta na rin siguro Mama mo dito. Ge. Una na ako."

Tumingin naman ako sa itaas. "Oh bakit? Ano meron dun sa taas? Ayaw mo muna bang tingnan 'yung gwapo kong mukha bago ako umalis?"

"Anong meron sa taas? Yung paki ko. Di ko maabot eh. Tsaka masyado atang napalakas 'yung aircon." Sagot ko.

Napatawa naman siya. Anong nakakatawa? Bahala nga siya sa buhay niya.

Natatanaw ko na si Mama mula dito. Sasalubungin nalang namin siya. Di ko na kayang magtagal kasama ng ugok na 'yun dito. Sabi mauuna, pero andito pa. Tss.

---

Note: #MedyoEpic. Geh.

(04-07-15)

What Can It Be? [Hiatus | Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon