[3] ~ Sorry is not enough

235 9 1
                                    

[3] ~ Sorry is not enough

-Edited Version-

---

•Ayesha's POV•

"Ugh! Ang baho." Iling ko nang itapon 'yung tubig sa vase. Tinanggal ko na kasi 'yung lantang bulaklak na binigay pa sa'kin ni Callix nung 3rd Monthsary namin.

Sunod ko namang binuksan 'yung aparador ko at kinuha lahat ng chocolates na kapag hinawakan mo, tunaw na tunaw na 'yung chocolate sa loob. Tapon na 'to.

Nakita ko din 'yung three stuff toys sa loob. 'Yan ang binibigay niya sakin every monthsary namin. Cute sana eh. Kaso kasama siya sa mga patapon. 'Yung hindi na dapat binabalikan.

Nilagay ko na lang sila sa isang box. Ibababa ko mamaya sa garage.

*Knock knock*

"Pasok!"

"Ginagawa mo?" Si Mama pala.

"Hinahanap po lahat ng basura ko dito. Masyado nang pong magulo 'tong kwarto ko eh." Dahilan ko.

"Pati stuff toys? I-donate mo na lang 'yan sa charity na tinutulungan ng Daddy mo." Suggest niya. Hmm.. Pwede din. Atleast may mga batang makikinabang.

"Sige po."

Natahimik lang kami pagkatapos. Bigla naman siyang nagtanong..

"Aalis kami ni Aiko. Gusto mo ba sumama? Para masulit naman 'yung bakasyon mo. Three weeks na lang, pasukan na ulit."

Oo nga pala. Three weeks na lang, papasok na ako sa new school ko. Parang di ko pa kasi feel..

"Maybe next time na lang po. Busy dito eh."

"Okay. Sige. May ipapabili ka ba?"

"Wala naman po. Sige na po."

"Sure?"

Tumango lang ako tsaka ngumiti bilang sagot.

"Okay," Isasara na sana niya 'yung pinto, pero lumingon ulit siya sa'kin.

"Anak, 'wag mong piliting ngumiti kahit alam kong nasasaktan ka pa rin. Tandaan mo, nandito lang ako. Pwede mo sabihin sa'kin lahat ng problema mo, ha?" Sabi niya. Sinarado na rin niya 'yung pinto pagkatapos niya akong ngitian.

Bakit ba hindi ko iniintindi 'yung mga tao sa paligid ko? Alam kong may mga nagmamahal pa sa'kin, pero binabaliwala ko lang sila. Ang selfish ko talaga kahit kailan.

Feelings.. Why so sensitive? Kainis.

Binalik ko na lang 'yung tingin ko sa mga stuff toys. Pag nakikita ko sila, parang mukha lagi ni Callix ang nakikita ko.

Kainis 'to. Pati ba naman mga stuff toys, sinasaktan ako?

[Now Playing: Amnesia - 5SOS] (At the multimedia)

>>Flashback

Hmm~! Good Morning sunshine!

Kinuha ko naman 'yung cellphone ko, at tinignan kung anong date at oras na.

7:56AM
February 8, 2014 | Saturday

FEBRUARY 8?! Monthsary namin ni Beb ngayon!

Agad naman akong bumangon at naghilamos sa CR. Mas okay na simulan ang araw ng 4th Monthsary namin ng masaya! Haha.

Pumunta naman ako sa dining para i-check kung ano ang breakfast namin.

Nakita ko naman si Mama na nagsasangag ng fried rice. Meron ding nakalagay na ham at tocino sa table.

"Maaga yata gising ng baby girl ko ah?" Bati niya.

What Can It Be? [Hiatus | Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon