â» ~ Cousins?
---
â¢Cody's POVâ¢
Cody D. Castillo is the name, girls. 17 years of existence. Gwapo since birth. At tama ang hinala niyo, anak ako ni Ma'am Castillo. At pinsan ko si Myrko Castillo.
Hindi ko din ineexpect na dito nag-aaral si Ms. Taray. Parang hindi ko naman ata napansin ang existence niya dito sa EasHigh (Short for Eastern High. Ayaw ni Principal na EH). Baka transferee? Pero malabo. Never magkaroon ng transferee sa batch namin dahil laging nilalagay sa section b or c.
Nagstart ng discussion si Mommy. Balik-aral lang sa mga pinag-aralan namin last year. Hinayaan ko lang siyang magdada diyan. Tatanungin ko nalang siya sa bahay.
Tinignan ko si Ms. Taray. Tahimik lang siyang nakikinig kay Mommy. Nakapangalungbaba siya sa desk niya. May ganda palang tinatago 'tong mataray na 'to? Ang inosente niya kasi tignan. Pero nung nag unang pagkikita namin, kala mo laging may dalaw dahil sa init ng ulo.
G*go kasi yung humabol na adik sa akin. Sinipa ko kasi yung plastik na may kung ano sa loob, na sinisinghot ng mga adik. Tapos yun, nagulat ako ng may hawak siyang cutter, kaya tumakbo ako. Para hindi na niya ako mahabol, inakyat ko yung bakod nina Ms. taray. Kala ko walang tao, pero nagulat ako na nandoon siya sa may garahe. Kaya agad kong tinakpan yung bibig niya, dahil baka marinig kami.
Nung naka alis na yung adik, mukhang ipapa-blotter pa ako kaya nagsorry nalang ako at tumalon sa bakod nila. Hindi naman ganun kataas yung bakod nila eh. Pwedeng ngang akyatin ng magnanakaw yun eh.
Pangalawa yung sa mall, hindi ko naman ineexpect na siya pala yung babaeng nakabunggo ko. Malalim kasi yung iniisip ko kaya hindi ko sinasadyang magkabungguan kami. Tapos yung kapatid niya, intrigador! Nagmukha pa tuloy akong feeling close dun sa bata. Kala ko nga nung una, anak niya eh.
"Goodbye class. You may now take your break." Announce ni Mommy.
Nakita ko namang tumayo si Ms. Taray kaya tumayo na din ako. Sinusundan ko siya. Saan ba punta nito?
Mukhang naramdaman na niyang sinusundan ko siya kaya lumingon siya, "Excuse me? Sinusundan mo ba ako?" Pagtataray nanaman niya.
"Hindi. Baka? Siguro? Maybe? Oo?" Pagloloko ko sa kanya.
"Whatever. Makapunta na nga sa canteen." Sabi niya tsaka tumalikod, at nagsimulang maglakad.. Papuntang gymnasium?
Tss.. Bobo ata 'tong babae 'to, "Hoy! Dito po yung canteen. Gymnasium po yang pupuntahan mo." Sabi ko sakanya.
Lumingon naman siya sakin. Halatang napahiya siya sa harap ko. Inirapan nalang niya ulit ako tsaka naglakad papuntang canteen.
Sinundan ko ulit siya. Curious ako sa katangian ng babae na 'to eh.
---
â¢Ayesha Yumiko's POVâ¢
Nakakairita naman 'tong lalaki na 'to! Sarap ipatapon sa Mars eh!
Nakakainis! Kanina pa ako sinusundan! Crush yata ako nito eh. Pero ayokong sabihin yan sakanya. Magmukha pa akong assuming sa harap niya eh.
Bumili lang ako ng chicken sandwich at isang mineral water. Umupo ako sa may table sa dulo.
Pag-upo ko, nakita ko namang umupo rin siya sa harap ko. At pag minamalas, pang dalawahan lang 'tong table. Hindi naman sa nag-aassume, pero mukha kaming may relasyon dito.
"Stop following me, will you?" Sabi ko sa kanya. Tatayo na sana ako para lumipat ng ibang upuan, pero pinigilan niya ako.
"Hep. Wag kang maarte, Ms. Taray. Ang swerte mo nga eh, isang Cody Castillo ang kaharap mo ngayon. Alam mo ba-"
"HINDI KO ALAM, OKAY?! AT WALA AKONG PAKEALAM SAYO!!" Sigaw ko sa kanya. Napatingin naman yung ibang tao sa amin. Grabe, ang saya ko! Sirang-sira ang first day ko! Thank you sa Cody Castillo na 'to. Grabe talaga.
Nilayasan ko nalang siya at bumalik na sa room. Dun nalang ako kakain. May aircon pa!
---
A/N: Im Jae Bum/Myrko at the multimedia.
BINABASA MO ANG
What Can It Be? [Hiatus | Editing]
Teen FictionMinsan, kailangan mo rin masaktan para malaman mong mahal mo talaga siya. At minsan, ang bilang ng sakit na nararamdaman mo sa kanya, ang sukat din kung kelan mo marerealize na tumigil na. All Rights Reserved 2014 Written By: OreoMonsterr_