Teaser sa personality ng kontrabida (LOL)
[12] ~ The Antagonist is yet to come. (Part One)
---
•Someone's POV•
"Hello Dad!" Bati ko sa tatay kong kakauwi lang galing sa trabaho.
He just gave me a tiring smile. Halatang pagod siya. Sinenyasan naman niya ako na 'wag munang mangulit dahil pagod siya.
Lagi naman eh. Araw-araw nalang lagi siyang pagod! Pagod saan? Kakatrabaho? Bakit? Para saamin ba 'yun? Para sa anak niya lang sa labas 'yun!
Kami ang legal na pamilya, pero mas inuuna niya pa 'yung anak niya sa labas! I hate this life!
"______, dun ka muna sa kwarto mo. Ako na kakausap sa Daddy mo." Utos ni Mommy sakin.
So cliché. Araw-araw naman eh. Alam ko na 'to. Kaya nakakabwiset magstay dito sa bahay eh.
Pagkapasok ko, sinarado ko kaagad 'yung pinto. Nakasandal lang ako dun para marinig ko pa rin 'yung away nila. Sa bawat araw kasi na nag-aaway sila, may nalalaman ako..
"7426, wala ka na ba talagang pakialam sa anak mo? Simpleng yakap lang sa kanya, 'di mo magawa!" Sigaw ni Mommy sa loob ng kwarto nila. Rinig na rinig dito 'yung nakakarindi niyang sigaw.
"Zenaida, alam mo namang pagod ako sa trabaho diba? Eto nanaman ba ang pag-aawayan natin?"
"Paanong hindi nanaman, kung paulit-ulit mo namang ginagawa! Masyado kang nagpapakapagod! Saan ba napupunta 'yang sweldo mo? Dun sa anak mo kay 629864! Mas inuuna mo pa 'yun kesa sa'min!" Sigaw ni Mama. Sunod kong narinig ang pagkabasag ng tingin ko'y isang picture frame.
"TAMA NA ZENAIDA! Rinding-rindi na ako sa araw-araw na pag-aaway natin! Inuuna ko siya, kasi siya naman talaga ang tunay kong ana-"
*SLAAAP*
Hindi na natapos ni Daddy 'yung sinasabi niya, dahil binigyan siya ni Mommy ng malutong na sampal.
Paanong 'siya' lang ang tunay na anak? Bakit ganun? Bakit nga ba wala siyang pakialam sakin? Dahil ba hindi niya ako anak? Ano bang ibig sabihin nito? Hindi ko maintindihan..
I faced myself in the mirror. I feel myself incomplete.
A teardrop came from my eye. I look very pathetic.
"No way." Sabi ko sabay punas ko sa kaliwang mata ko.
I just want to clear everthing..
I went to their room. Hindi naka-lock ang pinto kaya pumasok na lang akong bigla. Halata sa mga mukha nila ang pagkagulat.
Halatang umiyak si Mommy. Nakatayo lang si Dad sa harap niya.
"Sino ang hindi mo tunay na anak, Dad? Ako ba?" Mahinahon kong tanong.
"Di ka ba tinuruan ng Mommy mong kumatok?" Balik na tanong sakin ni Daddy.
"It's not important anymore. I just want to know the truth."
"Anak tama na." Awat ni Mom sakin.
Hindi ko siya pinansin. Diretso lang ang tingin ko kay Dad.
Huminga muna siya ng malalim at tumingin sa akin at kay Mommy. Medyo nag-aalangan pa ata siya.
"I think it's time to tell you the truth, ______."
"Your mother got pregnant when I was with my fiancé. Buntis din ang fiancé ko nun. Nagulat nalang ako ng sinabi ng Mommy mo na ako ang ama ng batang dinadala niya. Ikaw ang batang 'yun. Then I remembered the night when we met at the bar near in my office. Parehas kaming lasing nun at 'di na namin alam ang nangyari. By that time, sinabi ko namang papanagutan kita, pero ayokong makipaghiwalay sa fiancé ko. But my Mom doesn't want her. She forced ys na maghiwalay. Ni-let go ko nalang siya, sa dahilang muntik na siyang makunan dahil sa problema. I don't wanna lose my child to her. Kaya I don't have a choice, pinakasalan ko ang Mom mo. And to be honest, I'd never loved her. Hindi ko rin maramdaman ang lukso ng dugo ng lumabas ka. Kaya without your Mom's permission, pina-DNA test kita when you got 7. Lumabas na negative ito. Hindi ko inakala na niloko lang ako ng Mom mo. I confronted her and she told me the truth. She begged na 'wag munang ipaalam sayo, at 'wag ko kayong iwan. Hindi ko na sana siya pakikinggan, at babalik na sana sa fiancé ko dati, pero may asawa na siya. Mas matanda din ang anak ko sayo ng 3 buwan. Nasaksihan ko din ang paglaki niya kahit pa-bisi-bisita lang ako dati. Kasing edad mo na din siya ngayon. Kaya I'm really sorry kung ngayon ko lang nasabi sa'yo 'to. I'm also sorry that I can't stand as your real father." He explained.
Umiiyak lang si Mommy sa tabi.
"Then who's my real father?"
"Her dad."
***
Name: Ayesha Yumiko Dizon
Birthdate: December 8, 1998
Mother: Mayumi D. Sanchez
Father: Enrico Cruz
"Siya na po 'yung anak ng Daddy niyo, Ma'am. Iba po ang ginamit na apelyido ng Daddy niyo sa Birth Certificate niya. Darwin Sanchez naman po ang pangalan ng Step-Father niya, na siyang tunay niyong ama. May kapatid din po kayong lalaki sa kanya, na kapatid ni Ayesha. Si Aiko Sanchez po." Explain sakin ng hinire kong Investigator.
Inabot ko na sa kanya ang kalahating milyon. Pinaalis ko na siya at baka makita pa siya nila Mommy't Daddy.
So Ayesha is the name? Pa-angel masyado. Pero sa totoo, demonyo. Inagaw na nga niya 'yung Daddy ko, inagaw pa niya ang totoo kong Daddy! Wala na siyang tinira sakin!
Hindi lang dapat ako ang makaranas ng nito..
Siya din dapat.
---
A/N: #MedyoMagulo. I'll upldate the part 2 on Christmas. Thank you.
Q: Bakit kapag may pangalan, number/blank ang nakalagay?
A: Just find out what's behind those numbers. Hindi ko pwedeng ilagay mismo, kasi malalaman kagad kung sino siya. So I chose to put a blank nalang at numbers sa iba.
BINABASA MO ANG
What Can It Be? [Hiatus | Editing]
Teen FictionMinsan, kailangan mo rin masaktan para malaman mong mahal mo talaga siya. At minsan, ang bilang ng sakit na nararamdaman mo sa kanya, ang sukat din kung kelan mo marerealize na tumigil na. All Rights Reserved 2014 Written By: OreoMonsterr_