[5] ~ Fresh Start
-Edited Version-
---
•Ayesha's POV•
"Ayesha, bumaba ka na dito!" Sigaw ni Mama mula sa kusina.
Inayos ko naman na 'yung uniform at buhok ko. First day ko ngayon sa Eastern High. Medyo kinakabahan na din ako. Ayoko naman na kasi maulit 'yung dati.
Pagbaba ko, nakita ko naman sina Aiko at Daddy na nagsisimula nang magsandok ng sinangag sa plato nila. Umupo naman ako sa tabi ni Aiko.
"Si Daddy niyo na ang maghahatid sa inyo ha? May aasikasuhin pa ako." Sabi ni Mama. Siya kasi ang laging naghahatid kay Aiko. Samantalang ako, nagcocommute dati.
"Yes Ma." Sagot ni Aiko. Tumango naman ako.
Pagkatapos namin kumain, kinuha ko na 'yung bag ko sa kwarto, at dumiretso na doon sa kotse. Umupo ako sa tabi ng driver's seat at sa likod naman si Aiko.
"Mga anak, ready na ba kayo?" Tanong ni Dad.
"Opo!" Excited na sagot ni Aiko. Kinder na kasi siya.
"Ayos lang." Mahina kong sagot.
Napatingin naman sakin si Daddy. Alam naman niya siguro kung bakit, kaya di na na lang siya nagreact pa.
After ng ilang minuto, nakarating na kami sa school ni Aiko. Hiwalay kami ng school. Malamang kasi for high school students lang ang new school ko.
"Hatid ko lang si Aiko sa room niya. I'll be quick. Just wait here." Sabi ni Daddy. Tinanguan ko naman siya tsaka bumaba ng driver's seat at pinagbuksan si Aiko sa likod.
I just watch them habang papasok sa gate ng school. Kinuha ko naman ang cellphone kong wala pa ring kwenta hanggang ngayon.
Nakatulala lang ako nang biglang bumukas 'yung pinto at umupo na si Daddy. Di rin nagtagal, nakarating na kami sa school ko.
"Good luck sa first day mo. Balitaan mo na lang kami ng Mama mo ha?" Paalam ni Dad.
"Don't "Good luck" me as if I'm a freshman, Dad. Senior na ako. No need to worry po." Sabi ko then sinarado na ang pinto. I waved a goodbye before siya umalis.
Pumasok na ako sa school gate pero agad akong hinarang ng school guard at hinanapan ako ng student card. Dito nakalagay ang name at student no. ng isang enrollee at proof ito na estudyante ka nga sa school na ito. Kinuha ko naman 'yon sa bulsa ng bag ko at ipinakita sa kanya.
"Proceed ka na lang sa isa sa mga room na 'yon," sabi niya atsaka tinuro ang tatlong classrooms na may kaunting pila sa labas nito. Binalik na rin niya ang card ko.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at pumila ako sa pangalawang room. Sandali lang naman ang pila at nakapasok din ako agad sa loob.
"Student card?" Tanong ng isang babae na tingin ko'y nasa mid 30's. Binigay ko naman ito sa kanya.
Pinapwesto naman niya ako sa harap ng isang camera at ngumiti naman ako dito. Pagkatapos, tinanong niya kung saan ang address ko at guardian. After ng ilang minutes, iniabot na niya sa akin ang I.D ko.
"Ayesha Yumiko Dizon, 4-A. Room 24, Delos Santos bldg." Sabi niya kaya ngumiti lang ako atsaka nag-thank you.
Dumiretso ako sa sinasabi niyang building at napagalaman ko din na 8:00 pa ang start ng classes namin.
Habang naglalakad sa corridor, medyo kinakabahan ako. May mga students rin akong nakakasalubong. 'Yung iba nagyayakapan na parang akala mo eh isang taong di magkita... May mga nagkukumusta-han, at meron ring mga walang pakialam na busy sa paghahanap ng classrooms nila.
Nang makarating ako, dahan-dahan ko lang na binuksan ang pintuan. Sumilip lang muna ako, at nakita ko naman silang lahat na nagsi-lingunan sa'kin. Pumasok naman ako at umupo sa vacant seat sa pinaka-likod.
Ilang sandali lang, may pumasok na teacher sa loob at nag-introduce sa harap...
"Good Morning class! I'm Mrs. Levi M. Castillo, and I will be your adviser for the whole school year. I'll be also your English teacher." Introduce niya.
"May transferee ba? Sa tingin ko'y magkakakilala naman na kayo." Dugtong niya.
Nagsi-tinginan naman silang lahat sa akin. Napatingin na din sa akin si Mrs. Castillo at ngumiti siya sa'kin, "Can you introduce yourself here in front, Miss?"
Bahagya akong tumango at tumayo papunta sa harapan. Tinignan ko muna silang lahat bago ako magpakilala, "Good Day! I'm Ayesha Yumiko Dizon. I came from ****** Academy." Tipid kong sabi.
"Thank you, Ms. Dizon. Please be nice to her."
To be continued..
BINABASA MO ANG
What Can It Be? [Hiatus | Editing]
Teen FictionMinsan, kailangan mo rin masaktan para malaman mong mahal mo talaga siya. At minsan, ang bilang ng sakit na nararamdaman mo sa kanya, ang sukat din kung kelan mo marerealize na tumigil na. All Rights Reserved 2014 Written By: OreoMonsterr_