Introduction ♡

362 12 4
                                    

What Can It Be?
Written by: OreoMonsterr_
All Rights Reserved 2014

---

[Introduction]

I'm Ayesha.

Isang uri ng tao na once magmahal, ibibigay ang lahat para lang maipadama sa kanya.

At once na masaktan, dun iiyak ng sobra para mailabas ang hinanakit mo.

Pag naka-move on at nakahanap ng iba, magmamahal ulit.

Ibibigay nanaman ang lahat.

Tapos ano? Ako nanaman ang masasaktan sa huli?

Masama na bang magmahal ng sobra?

Hindi ba pwedeng magmahal ng hindi nasasaktan?

***

I'm Cody.

Isang taong gustong maging joke lang ang lahat. Ayoko sa mga bagay na sineseryoso. Kaya lahat, dinadaan ko sa lokohan.

Bakit? Kasi once na sineryoso mo, ikaw din yung masasaktan.

Parang exam na sineryoso mo pero mali pala ang nireview mo. Kaya ayan, bumagsak ka dahil nagexpect ka.

Pero hindi ko aakalain na magseseryoso rin pala ako.

Sineryoso ko. Kaya ako yung nasaktan.

Nandito naman ako, naghahanap pa siya ng iba.

***

I'm Myrko.

Isang lalaking gagawin ang lahat para mapasaya lang ang girlfriend ko.

At dahil isa akong tatanga-tanga sa girlfriend, ginawa ko lahat ng gusto niya.

Nang hindi ko namamalayang nasasaktan ko na pala yung babaeng tunay kong mahal.

---

WARNING: Amateur writer here. So I'm sorry if I can't fulfill your expectations in this story. But I'm trying to satisfy it, guys. Your suggestions and critics are highly appreciated. Thank you!

[Edited Part: 12-30-14]

What Can It Be? [Hiatus | Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon