[10]~ Girl in the Grocery store.

63 6 7
                                    

[10] ~ Girl in the Grocery store.

---

•Ayesha Yumiko's POV•

NakatuNGA-NGA ako ngayon sa harap ng tv namin ngayon. Para akong lasheng na ewan sa itsura ko. Nakataas yung paa ko sa pader at nakahiga ako na para bang bored na bored. Nakakabwiset naman na Sabado ngayon.

Chineck ko 'yung phone ko kung meron bang nagtext. Pero paano nga ba ako magkakaroon ng message kung wala namang nakakaalam ng number ko sa room? Aish.

Kinuha ko nalang 'yung remote at naghanap ng magandang channel. Pero wala eh. Nakakabagot naman!

"Ate.." Tawag sakin ng kapatid kong nakatayo ngayon sa may hagdan namin.

"Hmm?" -Ako.

"Tara, punta tayo sa mall. Paalam tayo kay Mama." -Aiko.

"Sa kanya ka nalang magpasama. Tinatamad ako eh." -Ako.

"Nabo-bored ka dito tapos ikaw na 'tong niyayaya, ayaw pa. Tara na, ate." At hinila-hila niya ako para tumayo sa pagkakaewan kong upo sa couch.

"Oo na. Wait lang." Tsaka ako tumayo para ayusin ang sarili ko.

"Ughh!" Sigaw ko at biglang napaupo sa couch. Medyo nahihilo ako.

"Ate, okay ka lang?" Tanong naman sakin ng kapatid ko.

"Oo. Sa sobrang tagal ko sigurong nakahiga." Sagot ko naman.

Pumunta naman na ako kay Mama na kasalukuyang inaayos ang kwarto nila ni Daddy.

"Ma, nag-aaya si Aiko na mag mall kami." Paalam ko.

"Wag muna kamo ngayon." Sagot naman ni Mama.

"Pero Mama! Sige na, please?" Biglang singit ng kapatid ko. Di ko namalayang nandito pala siya.

"Not now, Aiko. Uutusan ko pa ang Ate mo." Suway naman ni Mama.

"What again, Ma?" Tanong ko naman.

"Mag grocery ka. Dun ka nalang sumama, Aiko. Bibigay ko mamaya yung listahan at pera." Sabi naman ni Mama.

Ugh. Bwiset naman. Pero okay na rin 'yun para hindi ako ma-bored dito.

"Pwede naman po namin isabay ni Ate 'yun sa mall, ah?" Pagiinsist ni Aiko.

"Do you have an assignments, right? Di ka muna pwede. Kaya sumama ka na kay Ate mo, para gagawa ka na mamaya." Sabi naman ni Mama.

"Saglit lang naman kami sa mall eh." -Aiko. Ayaw talaga magpaawat.

"Aiko." Sabi ni Mama na may halong pagbabanta, at may kasamang 'makinig-ka-look'

"Fine." Pagsuko ng kapatid ko.

Ha-ha.. Wala talagang makakatiklop kay Mama.

***

"Aiko, hanapin mo yung iniinom na kape ni Daddy sa may section ng mga kape, tas kumuha ka. Alam mo naman 'yun diba? Tapos balikan mo ko dito lang sa meat section, okay?" Utos ko sa kapatid ko. Para mapabilis yung pamimili namin.

"Aye, aye, captain!" Pagsasalute niya tsaka siya tumakbo.

"O-oy! Mag-ingat ka, ha? 'Wag lalayo! -Ako.

Bumili na lang ako ng 8 na drumsticks para sa fried chicken na ulam namin mamayang tanghali. Kalahating kilo naman din ng baboy para sa ulam ni Aiko sa lunes.

Pumunta naman ako sa seafood section, at bumili ng kalahating kilo mg tilapia at bangus.

Mga 15 minutes na ata ang nakalipas, pero wala pa rin si Aiko. Ang tagal naman ata niya?

What Can It Be? [Hiatus | Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon