[2] ~ Fall then break

229 9 4
                                    

[2] ~ Fall then break

-Edited Version-

---

•Ayesha's POV•

"Oh, anong nangyari sa tuhod mo?" salubong saamin ni Mama.

"Wala 'to. Sanay naman na ako eh."

"Hay nako! Aiko, akyat sa taas. Maligo ka na. Ikaw naman, doon ka sa couch, hintayin mo ko. Kukunin ko lang 'yung first aid kit natin."

Tinanguan ko na lang si Aiko at umakyat na siya sa kwarto niya. Pa-ika-ika naman akong naglakad papunta sa couch.

Dumating din si Mama after few minutes. Umupo lang siya sa tabi ko at kinuha yung bulak at alcohol sa kit.

"Araayy!" Sigaw ko sa hapdi.

"Okay lang 'yan. Gagaling din naman agad 'yan." Sabi ni Mama.

"Dahan-dahan naman po Ma! Ang hapdi hapdi naman kasi niyan eh."

Di na lang siya sumagot. Nilagyan na lang niya ng band-aid 'yung tuhod ko. Pinaakyat na rin niya ako sa kwarto para magbihis.

After kong magbihis, nahiga muna ako sa kama ko. Ano nanaman bang katangahan 'yung kanina? Ayoko ngang umiiyak sa harap ng kapatid ko eh.

Nakakainis naman eh. Bakit ba kasi ang tanga-tanga mo? Kala mo naman, tulad ka ng story sa Wattpad na may happy endings. Pero fiction 'yun eh. Hindi totoo. Walang-wala sa reality.

Hindi ka si Juliet na sasamahan ng Romeo mo hanggang sa kamatayan. At 'wag kang magpakagaga na nung magising, nakita si Romeo na patay na, at ininom din 'yung lason para makasama si Romeo.

Hindi ka din si Cinderella na ginagawang alipin ng kanyang mga stepmother at sisters, na hindi pinasama sa isang ball, at makakahanap ng isang Fairy Godmother na ima-magic 'yung pumpkin, aso, at daga. Hindi ka din gagawan ng isang napakagandang gown at glass shoes, na maiiwan mo sa hagdan dahil 12 o' clock midnight na. Tapos, hahanapin ang may-ari ng sapatos para sa prinsipe. Nang mahanap ka, happily ever after na. Napaka-imposible naman na walang ka-size si Cinderella diba? Kasi nga, fairytale lang. Hindi ulit reality.

Sa totoong buhay, kahit ang mag-asawang umaabot na ng 45 years, may naghihiwalay pa rin. Nasaan na 'yung pinangako nila sa isa't isa na, "'Til Death, do us part"? Wala namang kwenta eh.

***

"AYESHA!!"

Bakit pamilyar 'yung boses? Kilala ko 'to eh.

"AYESHA!! PARANG AWA MO NA, LUMABAS KA DIYAN. SI CALLIX 'TO."

Callix?! B..Bakit siya nandito?

Sinilip ko naman 'yung bintana ko. Kita dito si Callix na nakatayo sa harap ng gate namin. Basang-basa siya sa ulan.

"Please, Ayesha. Lumabas ka na diyan. Sorry na!"

"Gusto ko nang ibalik 'yung dati, please? "

Totoo ba 'to? Nakikipagbalikan siya sakin?

"Wait lang.. Baba na ko." Sabi ko sa sarili ko.

Binuksan ko na 'yung pinto ng kwarto ko, pero.. Bakit parang pumasok ako sa isang coffee shop?

Teka? Bakit de javu ata 'tong nangyayari?

Lumingon ako sa right side ko. Tama nga. Ito nga 'yon.

Bakit bumabalik nanaman 'yung sakit? Bakit kailangan ko pang makita 'to ulit? Bakit ba ako nandito? Kailangan ko ba talagang masaktan ng todo bago bumalik sa dati?

"Ate!"

Lumingon naman ako sa likod ko. Wala namang ibang tao. Lahat ng tao dito umiinom lang ng kape.

Te-teka?! Bakit nawawala? Bakit nagiging black?!

"Ate, gising na. Bakit umiiyak ka nanaman? Kakain na tayo."

Napadilat naman ako. Nakita ko sa harapan ko si Aiko. Wait.. Medyo blurry 'yung mata ko. Feel ko rin na basa 'yung cheeks ko.

Umasa nanaman ako. Pero sa time na 'to, sa bwiset na panaginip lang. Wala naman na akong aasahan diyan. Kabaligtaran ng panaginip ang reality.

"Sige. Susunod na 'ko."

Lumabas naman na siya ng kwarto ko. Bumangon na ako atsaka naghilamos sa CR. Inayos ko na rin 'yung buhok ko.

Bumaba na ako sa dining room namin. Kita ko naman dun sina Mama't Aiko na nakatingin lang sakin. Habang si Daddy, nagsasandok lang ng kanin.

Umupo na ako sa tabi ni Aiko. Hinintay kong matapos magsandok sina Mama tsaka ako kumuha ng kanin.

Habang nagsasandok naman na ako ulam, biglang nagtanong si Daddy.

"Ayos ka na ba, Ayesha?"

Napatigil ako saglit. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Pero gusto kong maging honest sa kanya..

"Hindi pa po. Pero makaka-move-on rin si-"

"Ayan na nga ba sinasabi ko sayo eh! Diba't sinabi ko na sayo na walang hahantungan yang pagboboypren mo?! Tignan mo tuloy nangyari sayo. Ano nalang sasabihin samin ng Papa mo? Na hindi ka namin ginagabayan ng Mama mo?" Galit na saad ni Daddy.

Napatahimik kaming lahat sa inasta ni Daddy. Sobrang nakakahiya naman kasi talaga 'tong katangahan ko.

"Tama na. Nasa harap tayo ng pagkain. Itigil mo muna 'yang bibig mo, Darwin." Saway ni Mama.

"Okay lang Ma. Tama naman si Dad eh. Sorry Ma, Daddy, for disappointing you. Alam kong mas nakakadisappoint 'to para kay Papa. Sorry but I can't eat the dinner with you. Akyat na po ako."

Alam kong sa isip nila Daddy, hinahanap nila ang manners ko. But not this time. Masakit lang talaga pakinggan at harapin ang katotohanan..

When you love someone, you shouldn't fall, because everything that fall breaks.

---

Note: Credits kay @urmylittleprince sa quote sa last part. Credits din kung saan niya nakuha XD

Huhu.. Sorry sa mga hugot diyan. Wala pong kinalaman sa real life ko 'yan. HAHAHA!

(01/21/15)

What Can It Be? [Hiatus | Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon