Kabanata 9

2.2K 64 5
                                    

Kabanata 9

Nothing

"Yes, I'm inlove... I'm inlove with that bitch... I'm inlove... I'm inlove wih that bitch..." Kumakanta ako habang nilalabhan ang mga damit ko. Narinig ko ang kantang iyon sa bahay noon, si Mia ata noon ang nagpapatugtog. Ang kapatid kong tatlong taon ang bata sa akin ay mahilig sa mga kanta ng mga lalake tsaka kahit anong rap. I also find her musics cool pero ang iba ay nakakabastos, but well, that's what she wants. May mga kanta din siya na naririnig ko na malalaman. Naalala ko tuloy ang mga kapatid at pamilya ko, pati na rin ang mga kaibigan ko na matagal ko ng hindi nakikita at ni walang connection. I miss them so much, gusto ko na silang makita, mayakap at magkipagkuwentuhan. 

"Ako'y may hawak na bote sa kanan at baso sa kaliwa..." Wala si Neon ngayon, umalis at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Dalawang araw din siyang alis ng alis, simula noong nagpunta si Silver dito. Wala naman akong magawa kaya nilabhan ko na lang ang mga damit ko, hindi ko maasahan si Neon sa mga bagay na ito dahil nga, medyo madalas na ang pag-alis niya.  Noon, si Neon ang naglalaba ng mga damit ko, hindi ko alam sa papable na iyon pero hindi niya ako hinahayaang magtrabaho, kailangan ko daw magpahinga kahit wala naman akong ginawa. Lahat ng damit ko ay nilalabhan niya, except sa undergarments dahil siyempre nahihiya naman ako sa baliw na yon kaya ako na mismo ang gumagawa.

Napaka-boring talaga, wala siya ngayon at walang magawa dito sa bahay kaya kung anong makita kong puwedeng linisin at ayusin ay ginagawa ko na lang. Pati nga ang pagkanta ay ginagawa ko na lang na libangan para naman kahit kaonti ay may makaalis sa pagkaboring ng napaka-boring kong life. Psh.

Binabagabag parin ako ng mga sinabi ni Silver sa nagdaang dalawang araw. Neon don't want to talk about it, pansin ko iyon dahil sa tuwing tinatanong ko siya tungkol sa mga sinabi at kailangan ni Silver ay iniiwas na lang niya ang usapan o 'di kaya'y hindi ako papansinin. Gago. Gusto ko lang naman maki-tsismis pero pati iyon ay ipinagkakait niya. Walang-hiya talaga siya.

Yung hinuha na baka buntis ako ay isa rin sa mga iniisip ko sa nakaraang dalawang araw, it's been two days but I still haven't confirmed it. Wala akong mahanap na PT at yon ang kinababahala ko, I need assurance. Assurance para maalagaan ko siya, hindi man inaasahan ay pangangalagaan ko siya, he or she will be my priority and will be my treasure.

Habang kinukuskus ko ang damit ko ay naisip ko ang mga damit ni Neon. Baka hindi pa nakapaglaba ang lalaking iyon. Wala na sigurong time kasi palaging umaalis.

And then a thought invaded my mind, what if he's flirting wih other girls? Paano kaya kung habang mag-isa ako dito ay nangga-galaw siya ng ibang babae? Paano nga kung totoo na may ina-ano siyang iba? Wala na ba 'kong magiging silbi kaya itatapon niya ako? I'm sure his looks can get hot chicks. They would be drooling all over him.

Nagpunta ako sa kaniyang kuwarto at nakita ko na madaming nakatambak na damit sa kaniyang tray.

A thought occured in my mind. Baka may PT dito, but then... Ano namang gagawin ni Neon sa PT? It's not like magagamit niya yon sa future. Pero paano kaya kung meron? Baka magamit ko.

Naghanap ako sa kaniyang mga gamit. I'm sure mamaya pa siya uuwi kaya may oras pa akong maghanap. He often go home late, hindi ko na nababantayan ang oras tuwing umuuwi siya dahil kadalasan ay nakatulog na ako, and this is a fact, I sleep beyond 10 in the evening.

Hinalungkat ko ang puwedeng halungkatin, there are large drawers for his shirts but there's still a closet, hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ito nuong nakapasok ako pero hindi ko alam na gan'to pala kaganda. The furnitures are well-designed, malawak pala ang kuwarto niya kaya napakarami rin nitong laman, lumapit ako sa kama dahil naroon ako sa isanv malaking cabinet niya, I touched his bed and its so soft and fluffy, kung siguro bata ako ay kanina pa ko nagpalundag-lundag dito. Umupo dito and I suddenly wanted to sleep... In his soft and comfortable bed. Kinuha ko ang isang unan at inamoy iyon, kaamoy niya... Ang bango talaga ng gago. Nababalot ng amoy niya ang buongkuwarto at iyon ang nagpapakalma sa pakiramdam ko. Even his scent can calm my senses, what the fuck?

In The Arms Of A Psycho [COMPLETED]Where stories live. Discover now