Kabanata 18

1.7K 59 10
                                    

Kabanata 18

Daddy

Nang makauwi kami sa bahay ay hindi na nilubayan ni Neon ang isip ko. Kahit pa nga ayaw kong isipin ang mga bagay na makakapag-ugnay sa kaniya ay di ko maiwasang gawin.

Why is he there? Did he come back for me? For us? Did he really leave? Does he know everything that happened to me? Was he watching us? Does he have a plan? Does he intend to threaten me? Does he want something?

Kung bakit siya nandon ay hindi ko alam. Sobrang dami ng katanungan sa isip ko. Pero ang nagingibabaw sa lahat ay ang katanungang 'bakit siya narito?'

Napakadaming maaaring mangyari kung meron siya. Napakadaming posibilidad dahil may kapasidad siyang gawin ang isang bagay. Isa ay ang pagtangay sa anak ko. Baka nga isa yon sa mga plano niya, ang kunin ang anak ko sakin. Maari ring magpakilala siya sa anak ko bilang ama nito. O di kaya'y kunin niya kaming dalawa ng anak ko at dalhin sa kung saan. 

Nais kong malaman kung bakit siya narito, pero hindi ko pa yata kaya sa ngayon na makausap siya, o makasama man lang.

Natatakot ako. Natatakot ako sa kaniya, sa gagawin niya. Pero sa kabila ng lahat, hindi nito natatakpan ang parte sa akin na mag-asam na mayakap siya. Na maramdaman ng init niya.

Shit.

Bakit ba ako ganito? Napaka-ipokrita kong babae, wala akong isang salita bilang tao. Kaya ngayon aaminin ko na, buong puso at hindi hinahaluan ng anumang lito. Marupok ako. Marupok talaga ako.

Kasi, sino ba namang gaga ang mamimiss ang nantangay sa kaniya? Sino ba namang gaga ang nanaising yakapin ang taong nanakit sa kaniya. Sinong gaga?

Ikaw.

"Mommy, aye you okay?" sabi nang anak ko. Nakukyutan talaga ako sa pananalita nito, parang slang pero bulul lang talaga sa 'r'.

"Of course baby. Why would mommy not be okay?"

"Because you saw and talk to uncle Jokey and your scayed?" Inosenteng tanong nito. Natawa na lang ako.

"Baby, mommy is not scared from Uncle Joker, I'm just thinking of something." Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at pinanggigilan ito.

"Then what is it po?" Yumakap siya sa aking hita at tuminghala sa akin. Hindi talaga siya mumimintis na gawin ang mga bagay na mas ikamamahal sa kaniya ng mga tao. At biktima ako sa lambing niya. Araw-araw, mas lalo ko siyang minamahal, kahit pa nga nanggaling siya sa hindi kagandahang karanasan.

"Baby, do you want a father?" Gumaralgal ang boses ko. Sa uri ng pagtingin niya, parang sinasakal ako.

"Like Tito Loose?" Tukoy nito sa asawa ni Winny na ama ni Cresia. Nakita kong nagningning ang kaniyang mga mata, parang may hiling siyang makakamtan niya na.

"Yes." Nanubig ang aking mga mata. The look in his eyes says it all. He wants a father. Nakita ko yung saya, yung ningning sa mata niya. I hate to do this, disappointing him, but I guess I have to. 

"Of couyse mommy! I want that! Can I have a father?" Masayang tanong nito. Wari'y candy ang hinihingi. Na para bang napakasimple lang. Para bang hindi niya pa nga talaga ramdam. But I know, there's a hollow in his heart, I know he can't recognize it yet but the emptiness of a part in his heart just stays there, not touched, not felt yet, but soon will be recognized. Kapag makikita niya na halos lahat ng bata may ama. Na halos lahat ng nasa paligid niya, kompleto. Di katulad ng sitwasyon niya, hindi buo, saka niya mararamdaman ang kakulangan sa kaniya. Saka siya magtatanong kung bakit wala siya nun. At pag darating ang oras na yon, hindi ko alam kung anong maaari kong isagot. Kung sasabihin ko bang hindi kami puwede ng ama niya. Na komplikado ang sitwasyon. Na wala siyang ama. Na baliw ang ama niya.

In The Arms Of A Psycho [COMPLETED]Where stories live. Discover now