[5]

17 3 1
                                    

JADE POV:

Two weeks na rin ang naka lipas matapos ang pag uusap namin ng mga kasama ko nakakasabay ko naman sila sa mga nag daang araw, Naging busy din kase kaming lahat sa pag aaral alam niyo na Going to College na. Maganda naman dahil wala pa namang masyadong pagbabago sa klima ng school nato. Mukhang nag iingat naman sila, mabuti na rin yun para wala na masyadong madamay.

Andito kami ngayon ni Roxanne sa Cafeteria ng biglang mag Vibrate ang phone ko. Tiningnan ko muna kung sino ang caller.

Class President Calling~~~

"Go to Announcement room now." He said.

"We need to go now Roxanne, Bilisan mo kumain jan." Taas kilay na sabi ko. Actually sumaglit lang kami dito sa Cafeteria dahil nagugutom daw ang isang to. Kung nag tataka kayo kung anong meron sa Announcement room iaannounce lang naman nila ang about sa paparating na Acquaintance party so kailangan andun lahat ng students pati na rin sila Valerie.

Naglalakad na kami ngayon papuntang A.R ng maramdaman kong may naglalakad kasabay namin.

"Nabusog kaba?" He asked. Tumango nalang ako bilang sagot. Naiinis kase ako twing susulpot sya mula sa kung saan. Ganun na sya simula pa nung mga nag daang araw.

"Ayun sila Queen, Let's go." Nakangiting anyaya ni Roxanne ng makita nya ang mga kasama namin na nakaupo na sa bandang Likuran. Inutusan ko na sila kanina na maghanap ng pwesto na banda sa likuran para kita namin lahat, lalo na kung may kakaiba kaming maramdaman o makita.

Umupo na ako sa tabi ni Master Jim, si Roxanne sa tabi ng Boyfriend nya si Val ay ganun din kay Dexter, Si lisa ay nasa kabilang gilid ko samantang itong asungot ang sa kabila.

Hindi ko na pinapansin ang mga kaibigan kong kanina pa nag uusap. Samantalang ako abala sa kakamasid sa paligid alam kong nag mamasid din naman sila pero hindi sapat yung ginagawa nila dahil hindi naman sila tutok sa pag mamasid.
Mukha na kaming napapraning na baka bigla nalang may sumugod.

Nahinto ako sa pagmamasid ng biglang may tumikhim ng malakas yun pala ay galing sa mikropono na nasa taas ng stage.

"Good morning students, Alam kong hindi na kayo nag tataka kung bakit kayo andito ngayon sa AR." panimula ni President Lee sya ang Former owner ng Jao University.
"Next week na gaganapin ang pinaka hihintay nyong Acquaintance Party at nakikita ko ngayon sa mga mata ninyo na mukhang excited na talaga kayo." Naka ngiting dagdag pa nito."Handa naba kayo??" Malakas ng tanong nya.

"Yessss!!!"

"Excited na kami sa Special Guest!!!!"

Sigawan ng mga malalandi kong school mate ts. Low class (-,-)

"Bukod sa Acquaintance Party syempre iwewelcome din naman natin ang mga bago nyong Schoolmate." Naka ngiti nyang sabi habang nakatingin sa gawi namin, napansin iyon ng mga ibang studyante kaya bigla nalang nyang iniwas ang paningin nya sa amin. Ts.

"Inaasahan kong makikiisa kayo sa paparating na event ng Jao University  at ngayon palang ay pinapasalamatan ko na kayo" Dagdag pa nito bago tumango at bumalik sa kanyang upuan.

"You can now go back to your classroom students" Dagdag ng Student Council President ng Jao University.

Ganun nga ang ginawa namin nag paalam lang kami sa isa't isa at sabay sabay din kaming lumabas  ng AR as usual yung dalawa na naman ang kasama kong bumalik.

"Girls napapansin nyo ba na lagi nalang nila kasama si Jim?" Bulong ng isang higad sa paligid.

"Oo nga eh, Mga Linta talaga Hahaha dumidikit sa gwapo at mayaman para gumaya." Tawang tawa namang sabi ng isa ring Linta. Pwe mga Letche!

Hell GamesWhere stories live. Discover now