JADE POV:
Nang makarating kami sa Parking Lot ng JU ay sinulyapan lang namin ang mga tauhan namin kung naka handa sila bago kami pumasok sa loob.
Mabilis kaming nakapasok dahil Isa sa mga nag babatay sa Entrance ay tauhan ni Renzo, nag checheck kase sila kung may dalang matatalim na bagay ang mga students.
Nang makapasok kami sa JU ay nakikita na namin ang mga students na nag sasayawan na at meron parin namang mga students na paparating palang.
Naupo kami sa isang round table at agad naman nag serve ang mga waiters sa table namin. Nag papakiramdaman lang kaming lahat, dinadama ang presensya sa paligid.
Wala naman kaming maramdamang kakaiba sa mga oras na to maaaring nag aabang lang sila ng tamang oras para umatake."Let's eat, Masyado kayong kabado" Malumanay na sabi ko habang inaayos ang plato at spoon and fork sa harap ko.
"Ito kainin mo babe" Rinig kong sabi ni Renzo kay Roxanne.
"Allergy ka sa Cheese right babe?" Tanong ulit ni Renzo. Ts Roxanne talaga.Siguro nakalimutan na naman ni roxanne Hahaahaha.
Nag simula na kaming kumain at wala pa man kami sa kalagitnaan ay may nag salita na ang MC.
"Good evening Students!" Masayang panimula ng MC ng event na to.
"Handa na ba kayong maisayaw ang mga nag gagandahan nyong partners?" Masiglang tanong ng MC sa aming lahat."Yes!"
"Faster!"Sigaw naman ng mga walang manners na students. Ts.
"Kung ganon, Libre na ang dance floor ienjoy nyo na ang sandaling ito dahil mamaya lang ay ipakikilala na natin ang ating very handsome and very elegant na Speacial Guest" Sabi pa nito. Ts as if may pake kami, kahit artista pa yan wala kaming pakialam.
"Yesssss!"
"Sana Pogiiiii"
"Sana Sexyyyyy"
"Shit sino kaya yun?"Napatingin ako sa gawi ng mga students na nag sisigawan at nag bubulungan malapit sa amin.
Napansin ko ring tumingin sa akin ang isang mataray na babae sabay irap.
Kaya tumayo ako sa lumapit sa pwesto nila."Hey, san ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Jim pero hindi ko na to pinansin pa.
"Pwede bang hinaan nyo ang pag sigaw sigaw nyo? Hindi ka singer kaya masakit sa tenga ang boses mo" Mataray na sabi ko. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata ng mga iba pa nyang kasama ts. Habang sya naman ay Tinignan lang ako mula ulo hanggang paa. What now?
Tumayo sya saka ako dinuro."Sino kaba huh!?" Mataray ding tanong nya.
"You don't know me?" Naka ngising sabi ko tumayo naman ang isang lalaki at for sure that's her partner. Yumuko sya habang hawak hawak sa braso ang babae.
"Sorry po, ako na po humihingi ng sorry sa ginawa ng girlfriend ko, I'm sorry Queen" Nakayukong paumanhin ng Boyfriend daw nitong si ate girl.
"What!" Malakas na tanong nya dahilan para mapatingin sa amin ang ibang tao malapit sa amin ramdam ko na rin ang presenya ng mga kaibigan ko sa likuran ko.
"Huh! So you're the Queen?" ang kulit ah.
"Btw, I'm Jessica, the one and only Jessica" Pag papakilala nya pa. tsHindi ko tinggap ang mga palad nya pero nag pakilala na rin ako.
"Crystal Jade Falcon, One of the heirs of Falcon Familia, And the Queen of this school if I'm not mistaken" Wala ang pag mamalaki sa tinig ko pero yun talaga ang gusto kong sabihin.
YOU ARE READING
Hell Games
Mystery / ThrillerI will make sure na magugustuhan at kababaliwan nyo ito