Lisa Pov:
Nang matapos ang lahat ng klase naming lahat ay hindi na rin kami nag tagal sa pag uusap about sa gaganaping event bukas.
Ang mga pinag usapan lang naman namin ay ang planong pag punta sa Bahay ni Queen, At ang mga mag jojowa naman ay hindi rin nakalimutang mapag usapan ang tungkol sa pag sundo sa mga partner nila.Naka usap ko na rin si Mat at ang sabi ko sakanya ay h'wag na nya akong sunduin dahil kalapit bahay ko lang naman si Queen, Pag tapos nun ay nag desisyon na kaming umuwi.
Pero isang pangyayari ang nag pagulo ng isipan ko, dahil ng maipark ko ang car ko sa harap ng bahay ko, ay wala ni-isang tauhan ko ang lumabas para salubungin ako, ganun kase ang trabaho nila ang salubungin ako at kunin ang mga gamit ko pati na ang pag park ng kotse ko, pero hindi ako tanga para hindi malamang may mali ngayon sa bahay ko.
Naka bukas naman ang mga ilaw sa ilang bahagi ng bahay ko, at kung titingnan mo ang bahay ko mula rito sa labas ay masasabi mo talagang may tao sa loob.
May mga katulong ako pero wala man lang ni-isa sakanila ang lumabas para salubungin ako.
Kinuha ko ang baril at mga dagger ko sa bag ko at isinuksok sa loob ng coat ko para madali kong makuha ang baril, ang mga dagger naman ay inipit ko isa isa sa mga daliri ko, pero tatlo lang para hindi halata.
Tahimik akong lumabas ng kotse at nag lakad papalapit sa gate habang nilalaro ang susi sa isa kong kamay na walang dagger.
Umakto akong walang nahahalata pero nilalamig na ang buo kong katawan dahil wala akong makitang ibang tao na nasa paligid ngayon ng bahay ko.Nang nasa harap na ako ng main door ay walang takot ko itong binuksan, pero laking gulat ko ng tumambad sa akin ang lahat ng mga tauhan ko, Pawang mga naka piring ang kanilang mga mata at may mga busal sa kani-kanilang mga bibig, Mag kakatabi silang nakatali habang naka salampak sa sahig.
As in nasa gitna sila ng bahay ko.
Pinakiradaman ko ang paligid kung may tao pa sa loob ng bahay ko pero mukhang wala ng mga demonyo kaya agad akong lumapit sa mga tauhan ko at tinanggal ang Piring sa mata at tali sa mga kamay at paa ni Jerry ang namumuno sa mga tauhan ko, Nang maka tayo sya ay sya na rin ang kusang nag alis ng busal sa kanyang bibig.Isang malutong na mura ang unang lumabas sa kanyang bibig at kitang kita ang galit sa kanyang mga mata.
"PU*ANG INA!" Malakas at malutong na mura ni Jerry, Inihilamos nya pa ang mga palad nya saka tumayo ng maayos at galit na tumingin sa akin.
"ang lakas ng tama nung pumasok dito, Anong kailangan nila Ke kamāli'iwahine?"
Kunot noong tanong nya habang may halong pagkalito.Translation: Princess(Hawaiian)
Tinignan ko lang sya at saka tumingin sa mga kasama nya saka siya tumingin rin duon.
Tinanggal nya ng busal,piring at tali sa paa ang isa pang tauhan, at pinag patuloy naman nung isang tauhan ang pag tatanggal ng mga tali sa iba.Nang matapos ang lahat ay pinaupo ko silang lahat sa sofa sa may sala at saka sila Masinsinang kinausap.
"Diamond Thrones" Panimula ko, nakita ko namang lahat sila ay napatingin at nag angat ng tingin sa akin. "Sila ang gumagawa ng mga to, at hindi lang ito ang unang insidente, una si Val at ang pagkamatay ni Jasmine sa JU." Dagdag ko pa, lalo naman silang ginanahang makinig sa mga sasabihin ko.
"Kailangan namin nila Queen ang tulong nyo bukas" Sabi ko at saka seryosong tumingin sa kanilang lahat.Ipinaliwanag ko ang mga kailangan nilang gawin at ng matapos ako ay umakyat na ako sa kwarto ko pero mas nagulat ako ng may makita akong isang itim na kahon sa ibabaw ng kama ko.
YOU ARE READING
Hell Games
Mystery / ThrillerI will make sure na magugustuhan at kababaliwan nyo ito