JADE POV:
Nang makarating ako sa mansyon sinalubong agad ako ng mga tauhan nila mommy, Kinuha ng mga katulong ang gamit ko ang Tauhan naman namin ay Kinuha ang susi ko para sila nalang ang mag papark ng kotse ko.
Pumasok ako sa mansyon pinag buksan agad ako ng pinto ng Katulong na nasa harapan ko lang dala ang mga gamit ko.
"Where's everyone?" Tanong ko sa katulong.
"Nasa Dinning area na po sila" Naka yukong sagot nya. Di na ako sumagot at dumiretso nalang ako sa Dinning area.
"Hey Everyone!" Masayang bati ko sakanila, tumayo si mommy at daddy para halikan ako.
"How are you my daughter? I missed you!" Malambing na sabi ni mommy.
"I'm doing good mom" Naka ngiting sabi ko, tinulungan nya pa akong maupo.
Ganyan ka sweet ang parents kapag Hindi ang mga plano ang pinag uusapan. Pag Family Time, Family Time."Where's my Evil Sister?" Tanong ko habang busy sa pag kuha ng mga pagkain.
"Nasa Pad nya, Darating daw ang Boyfriend nya ngayon." Nag angat akonng tingin kay Mommy ng sabihin nya yun.
"Tim?" Gulat na tanong ko.
"Yeah, sino pa ba ang bf ng ate mo sya lang naman." Sagot naman ni mommy.
"Ahhh, I thought Iba na eh, Baka kase may naagaw na naman sya." Nakangising sabi ko.
Nag angat ako ng tingin ng marinig ko ang buntong hinga nila mommy't Daddy."Hindi naba kayo mag kakaayos ng kapatid mo?" Tanong ni Mommy, kaya nag angat ako ng tingin, at nakita ko na naman ang malungkot nyang mga mata.
"We're okay naman Mom don't worry, Past is Past" Sabi ko, pero shit! Yung sakit? hell! andito pa din!
"Sana nga" sabi ni daddy.
Natapos kaming kumain ng pamilya ko ng kamustahan at Kwentuhan. Pag tapos naming kumain ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nahiga.
Ng umayos ako ng higa natanaw ko ang isang picture frame na nakapatong sa study table ko dito sa loob ng kwarto ko.
Bumalik lahat ng saya, Kilig, lungkot, sakit at hinanakit ko sa taong to. Hanggang ngayon kase hindi ko parin alam kung anong dahilan. Marami pang tanong sa utak ko na never pang nasasagot. Bumabalik na naman sa akin yung araw na nakipag hiwalay sya sakin matapos ng mga nakita ko.
Flashback:
8 in the evening ng matapos ang lahat ng klase ko, birthday ko ngayon at hindi man lang pumasok ang taong nag bibigay ng ngiti sa labi ko.
kaya naisip ko na isurprise nalang sya ako nalang ang mag bibigay ng regalo sakanya dahil sa 2 years naming mag ka relasyon sya nalang ang laging nag reregalo sa akin.
Binili ko sya ng isang bagay na gustong gusto nya. Baril. Alam kong matutuwa sya pag nakita nya to kaya excited na talaga ako.
Andito na ako ngayon sa labas ng mansyon nila. Pinag buksan ako ng pinto ng Driver ko. Tuwang tuwa ako nung makita kong nakapatay ang ilaw sa kwarto nya yihh feeling ko kase tulog sya hihihi.
Pag pasok ko sa bahay nila Ganun nalabg ang gulat ng pamilya ng makita ako. May multo ba?
"Good Evening tita, Tito" Humalik ako sakanilang dalawa.
"Anong ginagawa mo dito iha?" takang tanong ni Tita.
"Isusurpresa ko po sana si Motmot" masayang sabi ko. Pero mukhang namumutla sila tita. Anong meron? may nangyari ba kay motmot?
YOU ARE READING
Hell Games
Mystery / ThrillerI will make sure na magugustuhan at kababaliwan nyo ito