Chapter 11: Aries and Virgo

102 13 2
                                    

Althea's P.O.V:

"WOWWWW!!!"nanlalaki ang mga mata ko sa pagkamangha habang inililibot ang paningin sa paligid ko. "Flower garden! Fruit garden! Vegetable garden! Wahhhhh!!! Ang daming garden."

Napakaganda sa paligid na ito. Puno ng iba't ibang makukulay na bulaklak sa paligid. May mga gulay at prutas ang nakatanim. May strawberries, raspberry, mulberry, watermelon, patula, upo, kalabasa at tsaka meron pa, labanos, mustasa, sibuyas kamatis... Ah basta! Lahat ng nasa bahay kubo nandito. There's also a field of rice and wheat hindi kalayuan.

Ang ganda talaga dito hehe.

Nahagip ng mata ko ang isang kulay pula na strawberry. Lumiwanag ang mukha ko at may naisip na ideya. Hindi naman siguro ako mamamatay kapag kumuha ako at kumain ng isa niyan diba?

Napalinga-linga muna ako upang tingnan kung may tao pero...wala. Napabungisngis ako sa excitement at dali daling kinuha ang strawberry. Napakapula nito at mukhang masarap

Kakagatin ko na sana ito nang biglang  bumuka ang lupa na tinatapakan ko at wahhhhhhh "Nahuhulog ako!!!!"

*Blag!*

"Aray ko naman!"hinimas himas ko ang pwet ko. Sakit non ah.

"Lapastangan! Sino ka para kainin ang bungang hindi ikaw ang nagtanim!"

Napatingin ako sa itaas at nakita ang isang babaeng may maikling buhok. "Eh one bite lang naman eh."napanguso ako. "Ikaw ba may-ari non? Wala ka naman kasi dito kaya di ako nakapag paalam."

"Hindi parin tama ang kumuha ng pagmamay ari ng iba. Kung wala dito ang may-ari. Matuto kang maghintay bata."

"Sorry!"napayuko ako. "Huhu! Galit kaba? Paparusahan mo ba ako?"di siya sumagot kaya...mukhang galit nga siya.

"Ang manatili sa ilalim ng bangin na iyan ang kaparusahan mo hanggang sa ikaw ay mamatay. Papatawarin lang kita kapag nalagpasan mo ang pagsubok ko sa iyo."

"Pagsubok?"

"Oo. Susubukan ko ang husay mo pagdating sa isang bagay. Kapag nakaakyat ka mula sa bangin papunta rito ay papatawarin kita at malaya mong makakain ang prutas na nais mo sa hardin ko."

Lumiwanag ang mukha ko. "Talaga? Sige! Deal!"

Sinubukan kong umakyat pero masyadong maputik at madulas ang wall na lupa.

Nahulog ako.

Akyat ulit.

Nahulog ako.

Pagkadapa ko ay nakita ko ang nadurog na strawberry na kinuha ko kanina. May naisip ako. Tama! Ang powers ko. Kapag pinalaki ko ang prutas...sasakay ako dun at dadalhin ako sa itaas gamit ang mga vines nito.

Ba't ngayon ko lang 'to naisip? Hihi ang witty ko talaga.

Ginamit ko ang kapangyarihan ko kagaya ng naisip ko. Sumakay ako sa strawberry matapos ko itong pinalaki.

"Yuhoooo!!!! Here I come!!!"

Parang platform yung strawberry na isinakay ako paitaas. Nakita ko ang babae na nakatalikod sa akin at dinidiligan ang halaman niya.

"Hi! Prend!"

Napalingon siya at gulat na gulat sa ginawa ko. "Paano?"

Ngumiti ako. "May kapangyarihan po ako. I'm Althea, a Land Controller."nag wave ako.

Namewang siya habang hawak ang sprinkler. "Wala akong pakialam sa'yo. Umalis kana."aniya saka bumalik sa pagdilig.

Sumimangot ako at tumalikod sa kaniya. Nahagip ng paningin ko ang kumpol na bunga ng strawberry, mulberry, raspberry, at grapes. Napaupo ako para kunin iyon saka nilantakan ko ito ng kain hehe.

UTOPIA ACADEMY: School of Elemental WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon