Chapter 19: Dance With Fire

25 1 0
                                    

Brix's P.O.V:

Napatingin kaming lahat sa pagdating ni Pareng Asher at Antheia. Napatingin ako kay Asher tapos kay Antheia papunta sa mga kamay nilang magkaholding hands.

Napansin kong nagkatinginan si Althea at Eist at nasundan iyon ng ngiti. Sumilay rin ang pilyong ngisi sa labi ko. Napansin iyon ng dalawa kaya binitawan nila ang kamay ng isa't isa saka naupo sa bakanteng silya.

Napailing iling ako. "Wowwwww!!! Love is wonderful... colorful and beautiful."pagpaparinig ko. Isang masamang tingin ang nakuha ko mula kay Captain saka napansin ko ang nag-aapoy niyang daliri. Ngumisi ako. "Lovely but deadly."

"Get change."biglang sabi ni Asher na bumasag sa katahimikan dito sa table namin. Napatingin kami kay Antheia na parang siga na kumakain habang nakapatong ang paa sa silya.

Natigilan siya sa pagkagat ng crispy pata. "Ayoko."aniya.

"Ripped Jeans, T-Shirt and Snickers. She looks different."sabi ko.

"Hindi parin bagay yung suot niya sa dress code ng Party. Why don't we change your outfit."suggestion ni Eist.

"Ayoko!"pagmamatigas niya.

"No! Go! Get change."ani Asher.

Biglang kumalampag ang lamesa namin nang ibagsak ni Antheia ang crispy pata. Grabe! Feeling ko umalis ng panandalian yung gwapo kong kaluluwa. Buti bumalik din.

Napapikit siya at masamang tiningnan kami isa isa. "Bakit ba pinapakialaman niyo ang suot ko? Pag sinabing ayoko. Ayoko! Tss!"sigaw niya kaya napatigil kaming lahat.

Nakakatakot talaga ang babae na 'to. Dinaig pa si Hercules sa katapangan. Siguro dating lalaki ito at nareincarnate sa katawan niya. Ang siga grabe! Pati si Captain tiklop sa kaniya. Akalain mo, she and only have the guts to defy him. Hahaha. Wala pa kayang nakakagawa non kundi siya lang. Tibay diba?

"Wag na nating pilitin ang ayaw. Okay naman yang suot niya ah. Yung pantalon lang ang may problema kasi kinulang sa tela tapos mukhang nginatngat pa ng daga."

"Pfftttt!!! BWAHAHAHAHA!"napahagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ni Althea. "Gagi! Yung ripped jeans...kinulang sa tela tapos nginatngat ng daga...bwahahaha!"

Napalunok ako nang tingnan nila akong apat na para bang may pinatay akong tao.

*LUNOK*

I swallowed hard. "Bakit? Natawa lang naman ako ah. Para nga kasi siyang tomboy na may reresbakan sa kanto eh. Bwahahaha!"tawa ko. Eto pa. "Bwahahahahaha"

"Brix! Shut Up!"sigaw ni Eist.

"Sabi ko nga, Quiet. Hihi!"

Tumayo si Althea. "Alis muna ako ah. Hahanapin ko lang si Dara. Ikaw kasi eh."bigla niya akong hinampas.

"Bakit ba?"sigaw ko.

"Psh! Sinaktan mo ang puso niya. Siguradong umiiyak yun ngayon dahil sa pinagsasabi mo. Arghhhhhhhh! Napaka slow mo talaga."hinampas niya ulit ako saka umalis para hanapin si Dara.

Saan ba kasi pumunta ang babaeng 'yon? At paanong naging kasalanan ko na nag walk out siya? Bahala nga siya.

30 minutes later...

Napatingin ako sa lamesang kinasasadlakan namin. Nasa kaliwa ko si Eist at katabi naman nito si Antheia tapos sumunod si Asher. Kinakausap ni Eist si Antheia pero tango at iling lang ang sagot nito.

Oh! Diba? Para lang siyang kumakausap sa isang kahoy.

Napatingin ako sa lalaking kaharap ko dito sa round table na walang kibo. Si Asher na maliban sa gwapo siya at angat nga siya sa akin ng kalahating paligo.

UTOPIA ACADEMY: School of Elemental WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon