Althea's P.O.V:
"AHHHW"parang na touch na sabi ni Eist sabay hawak sa magkabila niyang pisngi. "They really in love. Nakakainggit naman sila. I miss the kissing."sabi niya habang nakatingin kina Captain Ash at Antheia na naghahalikan sa gitna ng dancefloor with blooming flowers and snows.
"Kiss? Bakit ano ba ang lasa ng kiss?"enosente kong tanong habang kinokontrol ang mga halaman para lalong mamulaklak.
Namewang siya at sabay na napaisip."Sweet I think!"sabi niya sabay tingin sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat. "Alt, you can't predict the taste basta it feels like you are the most beautiful person the whole wide world sa first kiss mo. Ganon."sagot niya na may ngiti sa labi at may patango tango pa na para bang iniimagine ang kiss na yon.
Ngumuso ako. "You mean may first kiss kana? Kanino?"tanong ko na ikinatigil niya. Bigla siyang nagulat sa tanong ko dahil sa paglaki ng mata niya. "Bakit? May nangyari ba?"
"Nothing."umiling siya at binigyan ako ng pilit na ngiti. Napansin ko pa ang pagbuntong hininga niya.
Napangiti ako. "Sus!"inakbayan ko siya. "Bakit? Naging estatwang yelo ba yung hinalikan mo dahil yelo ang kapangyarihan mo? Haha! Yun kasi yung napapanood ko sa tv eh."
Napansin kong namutla si Eist at sabay na napalunok. Tila ba may nasabi akong ikinabigla niya. "That's not a good joke, Alt!"sigaw niya na ikinabigla ko. She slaps her forehead. "Wag na nating pag usapan iyan."
I exhaled. "O-okay."tango ko.
Nag smile siya bigla. "By the way, did you find Sandara?"pag iiba niya sa usapan.
"Dara?"I asked back. "Hindi eh."
"Try mo sa clinic. Baka nandon siya. Maybe she check Cirilla's condition."she suggested. Tinapik niya ako sa braso. "Sige, magbabanyo na muna ako."sabi niya saka dali daling naglakad paalis.. Natapilok pa nga siya sa pagmamadali eh.
Napaisip tuloy ako kung bakit umastang ganon si Eist. May nasabi ba akong mali? Nag joke lang naman ako ah. Ano bang meron sa first kiss niya? Hays! Wag ko nalang siguro isipin 'yon baka mas lalo siyang magalit sa'kin.
----
Lumabas ako ng hall upang pumunta ng Clinic. Para makarating agad sa clinic ay tumakbo ako at di namalayang naka high heels pala ako kaya sa hindi inaasahan ay natapilok ako. Feeling ko panandaliang umalis ang kaluluwa ko sa paglipad ng katawan ko. Mukhang magiging first kiss ko pa yata ang sahig ah. Wag naman sana.
Akmang babagsak na ako sa sahig nang may braso na humapit sa bewang ko. Napigilan ako nitong madapa. Napatingin ako sa lalaking kaharap ko na hapit na hapit ang bewang ko. Para kaming nagpose ng ending ng sayaw na ballroom.
Natatakpan ng maskara ang kaliwang mukha niya kaya hindi ko masyadong makilala ang lalaking 'to. Naka formal suit siya na mukhang sa party ang punta. Nagtama ang aming paningin at agad akong kinilabutan sa itim na itim niyang mga mata.
Kinilatis ko ang mukha niya at agad na napansing may pagkahawig siya kay..."Captain?"tawag ko pero agad niya akong binitawan kaya bumagsak ako sa sahig. "Aray ko po. Awssthhhhuuu!!!..."nilingon ko ang lalaki pero wala na ito sa kinatatayuan niya kanina.
Napakunot noo ako. "Teka! Ambilis naman ata niyang nawala! Hmmp!"tumayo ako saka inayos ang damit ko.
Napaisip ako bigla. Sino kaya ang lalaking 'yon? Bakit may pagkahawig siya kay Asher? Kahit na ang kanang mukha niya lang ang nakita ko, alam kong kamukha 'yon ni Captain. Teka! Baka naman namamalikmata lang ako. Psh! Makaalis na nga.
BINABASA MO ANG
UTOPIA ACADEMY: School of Elemental Wizards
FantasyAntheia and Althea Henderson are twin with an ordinary life. All their life, they seek for friends and how life in the City of Utopia works. Until one day, their mother passed away and send them to a school for a twin like them with special abilitie...