Chapter 16: Mutya ng Saging

100 13 0
                                    

Antheia's P.O.V:

Tatlong  araw ang lumipas nang mangyari 'yong punishment sa amin to spend the night in Quietus. Aaminin ko, iyon ang pinaka adventurous na pangyayari sa buhay ko. Dati kasi ay di kami pinapayagang lumabas o gumala man lang. Namuhay kami malayo sa mga tao. Kaya nga minsan ay tumatakas kami ni Althea para lang makagala sa bayan ng Utopia.

Sa pagbalik namin sa Academy nang gabing iyon ay bumalik na rin ang dating Asher. Bumalik yung seryoso at poker face niyang mukha. Minsan kapag nagkakasalubong kami ay nilalagpasan niya lang ako. Parang hindi niya ako kilala. Malayong malayo sa pinakita niya sa akin sa Quietus.

Sana pala sinabi ko nalang sa kaniya na ayos lang sa akin na ipakita niya sa'kin yung other side niya. Hays!

Training Day ngayon kaya naka assemble kaming lahat sa room of  Underworld. Nakaharap kaming anim kay Miss Magayon na may short blue hair na namang buhok.

"Grabe! Hobby niya talagang magpalit ng buhok ah. Magpalit din kaya ako ng girlfriend everyday? Hehe."bulong ni Brix kaya nakatikim siya ng batok mula kay Dara.

"Will you please shut up!"Dara said while gritting her teeth at him.

"Aray naman."napakamot si Brix sa batok niya habang nakanguso saka biglang ngumisi. "Nagseselos ka lang eh."

Binatukan na naman siya ni Dara. "I said Shut up!"

"Oo na! Oo na!"ani Brix saka nag mwestra pang parang sumusuko."Sayong sayo lang ako."sabi niya na ikinamula ng mukha ni Sandara.

"That's enough, Brix."suway ni Asher. Nang magtama ang paningin naming dalawa ni Captain ay sinimangutan ko lang siya sabay irap. Sino siya para pagtuunan ko pa ng pansin dahil lang sa pagiging charming niya non sa akin?

Sino siya si Tom Cruise? Tsk!

Alam ko kamukha niya si Leonardo DiCaprio nang kabataan nito pero hindi ako magpapa apekto sa kagwapuhan niya noh?

Tss! Tss! Tss!

"Are you all set?"pasigaw na tanong ni Magayon.

"Luh! Ano kami orasan? Grabe. Si Miss M talaga hehe."komento ni Althea dahilan para matawa ang lahat maliban kay Asher.

"Ano kaba Althea, ibig sabihin non. Kung ready na ba tayo."pagtatama ni Eist. Napatango naman siya.

"If you're all ready. Asher, Eist and Antheia. Please step forward to pick a name for your partner."kagaya ng sinabi ni Magayon ay bumunot kami ng pangalan ng makakapareha namin sa Training na 'to.

Biglang nag apir si Eist at Althea dahil sila ang magpapartner. "Yiee! Pakners tayo."

"Oh captain. Come to papa."ani Brix dahil una siyang tiningnan ni Asher. Naka wide ang braso niya na parang handang handa na sa yakap. Inismiran lang siya ng mukong na Asher. "Oh bro. May regla kaba?"sinamaan siya ng tingin ni Asher. "Sabi ko nga, wala"nag peace sign siya.

Diko na tinapos ang pagbunot dahil alam ko naman kung sino ang kapartner ko. Tiningnan ko lang si Dara pero parehas kaming napairap sa isa't isa. I don't think it's a good choice para pagsamahin ang dalawang magkaaway sa Training na 'to.

We won't win!

"Today's training is a dual game. You have to get a gem that possess a supernatural strength. Mukhang alam niyo naman siguro ang kuwento tungkol sa isang Mutya ng Saging."

"Ang mutya ng saging? Iyon ba ang kukunin namin? Wowww!"excited na sabi ni Althea.

"Yes, Althea. Ang bagay na 'yon ang kukunin ninyo. Ang mutya ay lumalabas sa kadulo duluhang puso ng saging. Kailangan niyong hintayin ang fullmoon upang makuha ito."pahayag ni Magayon.

UTOPIA ACADEMY: School of Elemental WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon