Chapter 18: The Wizards Ball

37 0 0
                                    

----
Althea's P.O.V:

"Oh Helloooo! Gorgeous!"sabi sa'kin ni Eist nang makalabas ako ng kwarto. Suot ko kasi ang isang apple green cocktail dress para sa gabing ito. Hinayaan ko nalang rin ang mukhang turban na braided hair ko na bumagay sa beauty ko sa gabing ito hehehe."You look like a grown-up woman in your dress, Alt!"dagdag pa niya.

Napasimangot ako."Bakit? Anong tingin mo sa'kin dati, bata?"

"Hindi naman."ani Eist."Mukha ka lang sanggol hehe Kidding!"pahabol niya.

"Where's Theia?"tanong ni Dara. She looks sexy with her blue mermaid style evening gown. Her semi curled blond hair suits on her white skin perfection.

"Ang sexy mo, Dara."I complimented.

"I know."maarte niyang sagot with a smile. "So, where is she?"

"Natutulog. Wala daw siya sa mood mag party. Alam niyo naman 'yon super nega. Kill joy kumbaga. Hehe."panlilibak ko sa kakambal ko.

"I can hear you! Close the door and leave!"sigaw niya mula sa kwarto. Nagkatinginan kami saka nagkibit balikat. Kanina pa namin iyan pinipilit pero ayaw niya talaga.

"Let's leave her be. C'mon."aya ni Eist. Kumikinang rin siya sa suot niyang  simple silver gown na may mahabang transparent sleeve na hanggang siko.

Maganda at bagay na bagay yung white hair niya sa kulay silver niyang suot at high heels."The boys are already at the Grand Hall and are waiting for our presence."tugon niya.

Nasabi ko na ba kung ano ang meron sa gabing ito? Hehe mukhang hindi pa. Hahaha. Okay, remember the Goddess named Tala that appear after the meteor shower kagabi? Oo nandito siya sa academy. At dahil nandito siya, magkakaroon ng isang bonggang Welcome Party ang eskwelahan para sa kaniya.

Dibwah?!!! Ang bongga! First time daw kasi bumisita ni Tala dito kaya napakahalaga ng presensiya niya. Kaya grabe! Diko inaasahan na mararanasan ko ang mga Party, Prom, Mystic ball, o kahit na ano pang ball ball sa school na 'to. Diba ang astig!

Nasa harap kami ngayon ng dining hall. Since, nasunog ang Gymnasium at nasama ang convention hall kung saan ginaganap ang events na 'to. Walang choice kundi ito ang gagamitin since malawak naman ito. I wonder kung ano ang nasa loob.

"Ready?"tanong ni Dara.

Tumango kami ni Eist na pinagigitnaan siya. Agad niyang tinulak ang pinto na double door at bumungad sa amin ang langit este ang napakagandang senaryo.

Unang nahagip ng paningin ko ang tatlong malalaking banner na iwinawagayway ng kakaibang nilalang na naka-steady sa itaas. May isang babaeng sirena na kulay blue ang buntot at may hawak na flag na kulay blue na nagsisimbolo ng Water Element. Mayroon ding babaeng may rainbow coloured wings at suot na puting mahabang damit. Para siyang malaking size na uri ni Mariposa. May hawak rin itong banner na kulay puti na nagsisimbolo sa Hangin. Ang isa naman ay lalaking may nag-aapoy na ulo hawak ang pulang flag na nagsi-symbolize sa mga Fire Wizards.

"Illusion Magic. Isn't it beautiful?"excited na sabi ni Eist.

"Mr. Aquas had that ability."sabi naman ni Dara.

"Ahh kaya pala."akala ko talaga totoong tao yun na lumilipad tapos lumulutang sa hangin. Ilusyon lang pala.

Nasa ibaba noon ay ang row ng mga students na nakaupo sa rectangular banquet table with an enormous foods set. May iba't ibang row ang students with different powers and abilities.

UTOPIA ACADEMY: School of Elemental WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon