Chapter 3: Departure
----
Antheia Henderson's POV:Nakatingin ako sa labas ng glass window habang patuloy sa pag takbo ang sinasakyan naming tren. The train that was made by the headmasters of Utopia Academy using their elemental powers for the students who exited and entering the school.
Hindi magagamit ang bawat abilidad at kapangyarihan once na nakapasok ka sa tren na ito. It was protected by the four elements which is Fire, Water, Air, Land. Kaya naman nakakapag biyahe ito sa lupa, ilalim ng tubig at himpapawid. Hinding hindi rin ito madaling masira dahil ang bawat silver at gintong ginamit rito ay maayos na pinanday gamit ang mainit na lava ng isang aktibong bulkan.
Kaunting estudyante lang ang mga kasama namin ngayon sa sasakyang ito suot suot ang kanilang luxurious dresses, make ups, loaded luggages. Hindi katulad namin na tanging jeans at white tshirt lang ang suot namin ng kakambal kong si Althea.
Katulad nila ay pupunta rin kami sa Utopia Academy. The school for twins who has special abilities that can make and control one of the four elements. Ang eskwelahang para lang sa tulad namin.
Ito ang kauna-unahang beses na pupunta kami sa Akademyang ito. Diko lubos maisip kung ano ang makikita at magiging kapalaran namin doon.
Gamit ang ibinigay na Academy's charm seal sa amin na siyang magsisilbing passport namin ay malaya kaming makakapasok at makalalabas sa eskwelahan.
I held the wooden table in front of me when the train trembles like I was in a viking of carnival. Ang iba ay napapasigaw pa sa tuwa at gayak dahil sa nangyayari. Kahit nasa loob na kami ng comparment ay rinig na rinig ko ang nakakabingi nilang ingay.
Ang malawak na damuhan na kanina ay tinitingnan ko ay nawala na at napalitan ng kulay bughaw na tubig.
Ang init na kanina ko pa nararamdaman dahil sa sikat ng araw ay napalitan ng malamig na pakiramdam dulot ng dagat. Sobrang pulido at safe ang pagkakagawa ng train na 'to. Wala maski katiting na butas para pasukin ng tubig.
“Hold on tight Utopian student's we are crossing the seafloor.”sinabi ng parang robot na babae kaya naman mahigpit kaming humawak ni Althea sa mesang kaharap ng kinauupuan.
Hanggang sa pabilis ng pabilis na ang pagtakbo ng tren at hindi ko mapigilang kabahan.
“Wow!!! Ang ganda!!!”namimilog ang bibig ni Althea habang nakatingin sa labas. Katulad nga ng sinabi niya ay may naglalakihan at nagagandahang isda, corals at sea creatures na may iba't ibang kulay. Nakakamanghang pagmasdan iyon sa likod ng makapal na glass window. “Wow! Tingnan mo Antheia, may mga mermaids.”parang batang ani Althea na nakadaop ang palad sa excitement.
“May mata ako Althea, nakikita ko.”sarkastiko kong tugon.
Sinimangutan niya lang ako saka bumalik siya sa panonood ng naglalanguyang mga sirena at sireno na napapahinto upang mag salute sa amin.
Palihim akong napangiti habang tinitingnan si Althea sa kaniyang masayahing mukha na bumagay sa nakatirintas niyang blond na buhok na nakarest sa magkabila niyang balikat. Halos walang paglagyan ang tuwa niya. Kaya naman makita ko lang siyang ganiyan ay masaya na rin ako.
She's so cute and too naive. She doesn't know the danger and reality that awaits us.
Natigilan ako nang mahagip ng mata ko ang sariling repleksiyon sa bintana. Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang sarili ko. Magkapareho man kami ng hitsura ni Althea ngunit magkaibang magkaiba naman kami pagdating sa pagkatao.
BINABASA MO ANG
UTOPIA ACADEMY: School of Elemental Wizards
FantasyAntheia and Althea Henderson are twin with an ordinary life. All their life, they seek for friends and how life in the City of Utopia works. Until one day, their mother passed away and send them to a school for a twin like them with special abilitie...