Chapter 4: Utopia Academy
----
Althea Henderson's POV:Nakakamangha ang eskwelahang ito. Halos hindi maalis ang tingin ko sa buong paligid. Gawa sa marble ang sahig na dinadaanan namin. Sa gilid nito ay mga halamang maayos na naka trim at ganoon rin ang kakaibang mga puno na kulay purple sa harap ng eskwelahan.
Gosh! My peborit kolor! I purple you.
Wala akong makitang fountain na siyang inaasahan kong makita sa ganitong uri ng lugar pero may isang bagay na kumuha ng atensiyon ko.
Ang waterfalls sa kanang gilid ng campus. Crystal clear ang tubig na umaagos mula sa taas ng mabatong bahagi. Kamangha mangha ang mga stalactites at stalagmites na nabuo roon at naghuhulma ng iba't ibang hugis. Nakakasilaw rin ang mala crystal na bato sa ilalim lalo na kapag tumatama ang sikat ng araw dito.
It's wonderful wonder falls wehehe
“Tingnan mo Kambal Oh! Amazing with a zee!”diko napigilang mamangha at ituro ang kinaroroonan ng talon.
Pinagtaasan niya lang ako ng kilay saka inismiran. Dakilang KJ talaga nitong kakambal ko.
“Huwag ka ngang ignorante!”suway niya.
Oh diva? Psh!
“Huwag ka nga ring killjoy. Can you at least be happy kahit ngayon lang.”nakanguso kong asik sa kaniya.
“Bahala ka! Magpakasaya ka kung gusto mo. Para kang bata.”singhal niya sakin.
“Bata naman talaga ako ah! Baby face hehe.”I was gritting her teeth para maasar siya. Nagtagumpay naman ako dahil naasiwa siya.
She cross her arms.“You're eighteen Althea. Act like a grown up woman who just turn in a legal age not a seven year old.”she rolled her eyes.
Ngumuso ako at mas humaba iyon dahil sa sinabi niya. “Ansungit mo talaga!”sighal ko saka nagpatuloy sa paglalakad at napatigil sa harap ng crystal falls.
Diko siya pinansin at tinuon ko ang atensiyon doon. “Wowwwww!!!! WA N D I R PO L wonderful.”pag spell ko pa bago sabihin. Agad naman akong napaisip sa spelling ko. Mukhang mali eh kaya napakamot nalang ako sa ulo.
Okay! Wag problemahin ang problema dahil papangit ka. Bleh!
“That is Aqua Falls.”napalingon ako nang magsalita ang guide namin na diko namalayang kasama pala namin. Siya yung inutusan ni Miss Magayon kanina para ihatid kami sa dorm namin.
Si Magayon ang babaeng nagbigay ng warm welcome sa amin kanina. The shocking moments is when I found out that she is a Diwata.
My goodness gracious! Yeah! She's a fairy without a wand. Psh!
“It was built many years ago by the God of the water. One of the headmaster of Twin Academy.”dagdag ni Mariposa habang lumilipad sa tabi ko gamit ang nagliliwanag niyang pakpak na pinaghalong kulay mustard yellow at black dots. Bumagay rin sa kaniyang pakpak ang suot niyang yellow na dress na parang pang barbie doll hehe.
BINABASA MO ANG
UTOPIA ACADEMY: School of Elemental Wizards
FantasyAntheia and Althea Henderson are twin with an ordinary life. All their life, they seek for friends and how life in the City of Utopia works. Until one day, their mother passed away and send them to a school for a twin like them with special abilitie...