Chapter 14: Queen Athena

95 12 0
                                    

Antheia's P.O.V:

Dahil sa pangyayaring iyon sa Dining Hall ay di ako nakaligtas sa umuulan na tanong ni Althea at Eist.

"For real? Sinampal at pinahiya mo daw si Captain Ash?"bulalas na tanong ni Eist habang tinitirintasan ang blond na buhok ni Althea.

Nandito kami sa Elementia's Fantasyland. Tambayan daw ng Team slash meeting room after ng klase. It's just a small room with carpeted floor. The whole walls is full of pinned paintings. May mga maliliit din na indoor plants dito sa bawat sulok. May maliit na study table. May gaming area, may sofa na kasalukuyang inuupuan ni Eist and Althea habang ako naman ay bored na nakatutok sa tv na may palabas na Guardian of the Galaxy.

"Akala ko ba magd-date kayo hehe."gatol ni Althea.

Nilingon ko sila at pinatawan ng masamang tingin. Nagtinginan sila ni Eist saka biglang bumungisngis.

"Yun din naisip ko. Pero diko alam na ganon yung magiging result ng pagsabi niya ng let's talk!"ginaya pa ni Eist yung cold na accent ni Asher saka biglang natawa. "Pero bakit ngaba sinampal mo si Captain kung nag usap lang naman ka'yo?"tanong ni Eist na nag iisip pa.

Kusang nagsalubong ang kilay ko sa inis nang pumasok na naman sa isip ko ang hitsura ng kumag na lalaking 'yon!

"Nakakabadtrip!"asik ko saka pinindot ng pinindot ang remote para ilipat ng channel dahil sa inis ko pero diko inaasahan na mahihinto iyon sa isang scene ng palabas kung saan niyayakap ng isang lalaki ang isang babae.

Man: *nakayakap* "Ang yakap na ito ang patunay na nandito ako para sa'yo. At ipaparamdam ng yakap na ito na...mahal na mahal kita. So, will you be my girlfriend, Thea!?"

Napalunok ako. Sumariwa sa isip ko yung hininga niya sa batok ko, yung matigas niyang dibdib dahil sa yakap niya at yung tinawag niya akong...

"Future girlfriend? Kingina!"napamura ako.

Tumayo ako at pumunta sa maliit na refrigerator dito saka kumuha ng tubig. Pagsara ko nito ay nagulat ako nang mag appear sa harap ko si Brix na hingal na hingal. Nakita niya ang hawak kong bote ng tubig.

Ngumisi siya."Oh! Thank you!"sabay kuha ng tubig sa kamay ko. Binuksan niya saka nilagok ng nilagok hanggang sa maubos 'yon.

*BURP*

Huminga siya ng malalim. "Phew! Refreshing!!!"

Napailing ako saka kumuha nalang ulit ng tubig. Paglingon ko ay nandon na si Brix sa sofang inupuan ko kanina. "Grabe! Nahaggard ako dun ah!"aniya saka nilipat sa isang soccer game ang channel.

"How's the Gym?"tanong ko saka naupo sa isang swivel chair sa harap ng maliit na table.

"Half of it are burn. Buti nalang at nagkataon na walang tao doon nang mangyari ang sunog."he replied pero nasa tv ang tutok.

Bigla kasing nagliyab yung Gymnasium kanina. Iyon din ang dahilan kaya naitulak at nasampal ko si Asher. Dahil sa sunog na 'yon ay natauhan ako sa nakakahipnotismong yakap niya.

"Sino kaya ang siraulong Fire Controller ang nag simula ng sunog? Balak yatang gawing abo ang academy. Tsk!"Eist wondered.

"Don't worry! Naapula na namin ang apoy. Buti nalang nandon ang poging water Controller na si Brix haha!"sabi ni Brix at nginisihan pa talaga kami isa isa.

"Tumigil ka nga. Kadiri! Ang hangin mo."ani Eist sa kambal niya.

"Teka! Diba, lumindol din kanina? Hindi kaya..."bigla silang tumingin sa akin.

UTOPIA ACADEMY: School of Elemental WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon