Chapter Fifty-Two

3.4K 131 0
                                    

The Final Match

"You can still back out you know." Wika ni Iyana sa tabi ko. Kakatapos lang namin ng lunch at kaninang umaga pa namin nalaman ang susunod na maglalaban-laban.

Pero minalas yata ako. For the final match, Roy Harlington, Ciel Drey, at ako ang maghaharap-harapan. This is really bad for my case dahil disadvantage ako nito. Like I said before, I'm not confident with my combat abilities and yes, may maitutulong din 'tong ability ko but...unlike my opponents' magic and skills, hindi ko alam kung may pag-asa pa akong manalo. I'm not downgrading myself, I'm just stating a fact.

"May isang oras pa bago magsisimula ang finals. You should sit this one out, there's a possibility of death you know." Pagpipilit pa sa akin ni Iyana. I just ignored her habang nilalagay ang bagong bili kong katana sa may belt ko sa beywang.

Ewan ko kung ako ang trip ng dalawang 'to na kanina lang gustong manalo sa kompetisyong ito, but now? They're being cowards. At bakit ba sila concern sa akin? Yes, they are concerned. Kailan ba sila naging concerned sa akin?

Ah hindi parang may mali, they just want to go back to the Academy already dahil tapos na naman sila sa pagpapakitang-gilas. I've known these two more than anyone else better, kaya alam ko na ang ugali nila.

Tss. Selfish freaks.

"Akala ko ba gusto niyong manalo?" Tanong ko. Naiinis narin ako sa kanilang dalawa. Si Andrea medyo tumahimik nadin dahil may nahanap na magandang libro sa bayan kanina nang kumain kami. Kaya ngayon ay masaya siyanga nakupo sa couch habang bumabasa.

"I don't have any urges like wanting to win all of these. Si Andrea." Napatingin kaming dalawa kay Andrea na ngumingisi. Para 'tong baliw.

"W-what? Ah right. Ikaw na ang bahala Keila. I don't care if we win or not. Either way, nakuha ko na ang objectives ko sa pagsali sa kompetisyong ito." And that is the fact that she has already proven herself to anyone. So papabayaan nalang nila sa akin ang lahat ganoon? I sighed. Ano pa ba ang bago?

"I won't back out Iyana." I said. Kahit ano man ang sabihin nila may ego parin ako. I heard her sigh.

"Then pwede na ba akong mauna pabalik sa Academy?" Tanong niya. Sabi ko na ngaba.

"May next category pa pagtapos ng finals. Andrea, you, Deil Montreo, at may isa pa dapat ang a-advance. Kaya kahit matalo man ako, kailangan niyo paring mag advance sa final category." Napaisip sila sa sinabi ko. Andrea finally closed her book pero may nakalagay na bookmark sa gitna.

"Honestly pati ako naiinip narin. Like there's no point in continuing anymore." In other words, they're loosing motivation. Parang laro lamg ba sa kanila ang lahat ng 'to? "So let's make a deal, if Keila managed, which is impossible, na manalo sa final battle, then we can advance and go for the win. Pero kung hindi, then we back out." Napaisip din ako sa sinabi ni Andrea.

She's the kind of person who only gets motivated kung pagdating na sa gusto niya ang pinag-uusapan. While Iyana only gets motivated kung may nakita o nalaman siyang nakakaagaw pansin. They're like kids in that aspect.

To tell the truth, I don't have any reason to fight. If I had a choice, I would have backed out than to face death itself. But what would people think of the Academy if a student, from the school, suddenly backed out na parang wala lang sa kaniya ang lahat? At isa pa, sa akin nakatutok ang karamihan sa atensyon ng mga tao. They all think na ako ang leader sa aming tatlo and if we quit, ako ang sisisihin. Also, I hate failing people who has so much hope for us around me. I'm just......not used to it.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now