Spirits
May pulang likido nalang na tumutulo mula sa dibdib ni Alvin, nagulat din siya sa nangyari and took a glance at me. Pati ako nagulat din nang bigla nalang siyang natumba sa lupa. I almost can't believe what I saw at mabilis na lumuhod sa tabi niya.
Agad kong hinugot ang kutsilyo na nasa dibdib niya at pinunit ang parte ng cloak ko para tumigil ang dugo. Bumibilis ang tibok ng puso niya, ganoon nadin ang paghinga niya. He's feeling cold, fear, regrets. Damn it. I should have trusted my instinct to kill that child back then!
"Wahahahahaha!! Ganito ba katanga ang mga tao ngayon?" Sigaw ng bata habang humahalhak parin sa tawa. May lumabas na namang isang kutsilyo mula sa palad niya at patuloy parin ang paglabas ng itim na enerhiya sa katawan niya.
"Pinapasok niyo ako dito. Ngayon patay kayong lahat!"
The ground beneath the kid cracked, while slowly, his feet is getting bigger even his body. His eyes are glowing red, at matapos ang ilang minuto ay naging isang higante ito. It wasn't as big as that monster from earlier, pero malaki parin ito at parang tao ang form niya. Napalitan ng isang axe ang hawak-hawak niyang kutsilyo kanina. He laughed evily.
I immediately glanced at Ziandra na nanghihina na naman sa pagkakita palang sa higante. Her energy is already low and she can't really afford another battle. Pero imposibleng matatalo ko ang halimaw na iyan kung ako lang mag-isa.
Tapos ay dumayo ang tingin ko sa mga tao na nanginginig na naman sa takot. Some are already fleeing deeper through this place. I clenched my fists in anger. Nakakainis. Damn it! Anong magagawa ko kung ako lang mag-isa ang may natitira pang enerhiya? Plus, all their emotions are too strong that it keeps adding to my energy.
That only means na posibleng ako lang ang may kayang kalabanin ang halimaw na yan bago pa man mamatay kaming lahat dito. But me doing it alone is impossible. Pero may isa pang paraan.
Tinaas ko ang dalawa kong kamay and closed my eyes. I'm concentrating my energy to those around me. Dahil ay hindi ko tinututok ang enerhiya ko derecho sa taong bibigyan ko ay pwedeng masayang ang enerhiya ko. But I don't care. It's better to do this efficiently than to give my energy to them one by one.
"Anong ginagawa mo?!" Ziandra exclaimed behind me. "You won't have enough for yourself kung ipagpapatuloy mo 'to!"
Binaba ko bigla ang kamay ko at tumingin sa lupa. I'm panting so hard, and I'm also sweatinh. I didn't overestimate my energy, kailangan ko itong gawin o mamamatay ako dito! Itataas ko pa sana ang kamay ko when I felt a sudden weight holding it down. Napatingin ako sa itaas and saw Theone standing beside me. Duguan parin ang braso niya, but he was able to stand up now.
"It's fine. Huwag mo ng sayangin ang enerhiya mo." He said, his eyes focused on the monster meters away in front of us.
Napaupo din si Alvin, he looked at me. I can feel satisfaction and gratitude from him. I sighed in relief.
"Anong magagawa niyo ngayon?! Mamatay kayo!!" Sigaw ulit ng halimaw.
He slashed his axe towards our direction as the people far behind us started screaming. Fear...all fear. Dumadami ang enerhiyang dumadaloy sa katawan ko. Bago pa man tumama ang axe niya sa amin, ay mabilis kong sinummon ang weapons ko. I held each swords on both of my hands at sinangga ang malaking axe nito.
YOU ARE READING
Magnus Academy: The Cursed Blood
FantasyFamily. Loyalty. Trust. Friendship. A twisted fate with the name of love on the line. But is it still all for the name of love even when things get a little darker? -not your typical Academy story. •COMPLETED• (This story is written in Tagalog and E...