Chapter Twenty-Seven

1.3K 73 13
                                    

Then There Was Silence

"M-miss Iyana—"

"What? You can't even hit a ship? They aren't even moving." Bored kong sabi habang nakatingin sa mga monitors kung saan pinapakita ang limang malalaking barko.

May mga simbolo ng Exodus ang mga flags nila kaya mukhang gumana nga ang plano. I deliberately leaked the information for the whole world to know kung saan ko tinatago ang Seventh End, a lot happened and these past few weeks because of that but finally, mukhang nahanap narin kami ng Exodus.

Ever since I took the Fairy Queen's offer, Titania, about leading the New World Order, I've been going around these past year and half to find what Titania wanted me to find, an army. She said she'll handle the rest and at this point, I found some but it isn't really enough to be called an army.

"M-may nakapaligid po na barrier sa paligid ng mga barko. Hindi po ito kaya ng mga mahika natin dahil masamang enerhiya ang mga ito."

"Then fall back. Let them come." Seryoso kong sabi.

Alam kong tututol pa sana sila pero lumabas ako mula sa room at gamit ang spatial ability ko, dinala ko ang sarili ko sa may beach area ng buong isla. Maliit lamang ang isla na ito, perfect for the facility. I've set up different bases of operation everywhere while I've been gone these past months at kakabalik ko lang dito isang buwan ang nakalipas.

Not even Headmistress knows where I am. Alam ng mundo ang tungkol sa dalawang versions ng New World Order pero hindi nila alam kung sino ang namumuno ng mga ito. Basically saying, no one knows that a Klein is currently leading the other New World Order where normal people could benefit. In other words, I have the majority of the world's support.

As if on cue, biglang lumamig ang paligid. Unti-unting nababalot ng masamang enerhiya ang hangin, mas dumilim pa ang kalangitan. Napangiti ako dahil kahit iba na ang enerhiyang ginagamit niya ay kilalang-kilala ko parin kung kay sino ito nanggagaling. Tinaas ko ang kamay ko kasabay nito ang pagsummon ko ng baril.

Tamang-tama na isinangga nito ang matalim na dagger na nanggagaling sa kalaban ko na ngayon ay nakatakip ang mga mata ng isang itim na maskara. Suot din nito ang pulang cloak na may simbolo ng Exodus. Kakaibang tingin ang binibigay niya sa akin, at dahil kilala ko na ang mga tingin na ito ay alam kong nagulat siya.

"How troublesome, Andrea." Bati ko dito. Ngumiti lang ito na hindi kami gumagalaw sa mga posisyon namin. Pero mas diniin nito ang dagger sa akin kaya mas hinigpitan ko ang hawak ko sa baril na nakasangga dito.

"Long time no see." Just as she said those words, flashes of lightnings appeared above the dark skies.

Gamit ang masamang enerhiya na nakabalot sa buong pagkatao niya ay dinirekta niya ang lightning sa direksyon namin, probably hoping I'd jump away. Pero tinaas ko lang ang isa kong kamay para mabuksan ang spatial ability ko. Pinunit nito ang maliit na space sa ibabaw namin at gamit ang space na ito, ay dinirekta ko ang lightning sa dagat.

"This would have been a lot better reunion under different situations."

"True." She agreed playfully at nagpalabas ulit ng isa pang dagger sa likuran ko. This time, I took the iniative to jump away to dodge her dagger kaya ngayon ay dalawang daggers sa magkabilang kamay na ang hawak niya.

"I've always wanted to ask you why." May bahid ng lungkot ang boses ko na hindi ko pinahalata sa mukha.

"Then why don't you?" Hindi katulad ng sa akin ay puno ng determinasyon ang boses nito.

"Because now isn't the time." I shot multiple bullets from the gun I'm holding towards her. Mas mabilis ang mga galaw nito kumpara noon kaya madali niyang nasangga gamit ng mga daggers niya ang mga bala ko na kahit noon ay nahihirapan siyang gawin.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now